Lalo pang binilisan ni Emman ang pagpapatakbo ng kotse nang mag-ring na naman ang cellphone. Kailangan niyang makarating agad bago mahuli ang lahat. Inis niyang nahampas ang steering wheel nang malamang naipit pa siya sa traffic dahil umuulan nung mga oras na iyon. Dahil sa inis ay umiba siya ng daan at walang pakialam na nagmaneho kahit pa narinig niya ang pagpito ng traffic enforcer. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din siya. Agad niyang hinanap ang baril sa compartment. Nakarinig siya ng kaluskos kaya naalarma siya at agad na itinutok ang baril sa likod ng kotse. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita ang isang babaeng namumutla rin sa takot. "What the f**k are you doing here?!" frustrated na tanong ni Emman nang makilala kung sino ang kasama. Hindi makasagot

