"I'm Raymond, by the way," inabot ng kausap ang kamay pero bago pa tanggapin ni Lauren ang pakikipagkamay nito ay tinanggap iyon ni Emman at ang lalaki ang nakipagkamay. "Inumin mo na lang ang kape mo," utos ni Emman. "Maybe we should leave," tila naging seryoso si Eros nung mga oras na iyon na ipinagtataka ni Lauren. "Come on, join us," pigil naman ni Raymond at ngumiti pa kay Lauren. Walang nagawa si Eros kung hindi bumalik sa upuan. Naisip namang asarin ni Lauren si Emman nung mga oras na iyon. Ngumiti rin siya kay Raymond, "Mukha kang Korean celebrity." Tumaas ang isa nitong kilay at tumawa. Natawa din ang mga kasama nila maliban sa magkapatid. Nakita niyang napakunot noo si Emman samantalang si Eros ay parang nababagabag na hindi maintindihan. Gusto niyang tanungin kung may

