"Naihatid mo ba siya nang maayos?" Nagulat si Emman nang makitang naghihintay si Eros sa sala. Madilim ang sala at tanging ang pulang lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa buong bahay. "Nandyan ba sila mama?" naisipang itanong ni Emman. Nagtataka siya dahil sa bahay nila tumuloy si Eros. Katulad niya at ni Edel, may sarili itong condo. Tanging ang kambal ang nakatira sa bahay ng mga magulang. "Tulog na sila. Hindi ko na naabutan." "Si Ethan at Evan?" "They're not here yet." Luminga sa paligid si Emman. Siguro ay tinitingnan kung may gising pang kasambahay. "They're all sleeping, don't worry," sabi ni Eros at sinalinan siya ng wine sa baso. Bahagyang kumalma si Emman nang simsimin ang alak, "I'm worried about the twins. Bakit wala pa sila?" "Kasama nila si Jordan at Bec

