Malungkot na naglalakad si Rosalie palabas ng student's office. Nagpaalam na siya na hihinto muna sa pag-aaral. She decided to stop going to school at maghanap na lang ng trabaho. Naniniwala siya na hindi dapat pinipilit ang pag-aaral at mas magtatagumpay ang isang tao kung bukal sa loo bang ginagawa. Well, isa lang naman ang rason kung bakit siya nag-enroll sa school na iyon. Siguro lilipat na lang siya ng school o kaya ay babalik na lang kung handa na ulit siya. Tapos naman siya ng technical school kaya pwede na siyang maghanap ng trabaho. Pumunta siya sa locker para kunin ang mga naiwang gamit at nagulat nang may makitang malaking bagay na nakabalot. Mukhang painting ang laman noon. May kasama iyong envelope na may lamang sulat. Kinuha niya ang sulat at lalong nalungkot nang mabasa iyo

