Nagising si Lauren sa mahinang hikbi na nagmumula kay Shaina. Nasa madilim silang bodega at naramdaman niyang nakagapos ang mga kamay. Nakaupo naman sa isang sulok ang dalawang lalaking bantay. Napangisi ang dalawa nang makitang gising na siya. "Mabuti naman at nagising ka na." "Anong kailangan mo sa'min?" galit na tanong ni Lauren. Hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para magtanong samantalang si Shaina ay tanging pag-iyak lang ang nagawa. "Sa'yo lang, Ms. Villareal," nanunuyang sagot nito. "Malas lang ng kasama mo at nadamay pa sa sumpa ng pamilya niyo." Napatingin sa kanya si Shaina na wari'y nagtatanong pero hindi alam ni Lauren kung ano ang sasabihin. Bakit ba kasi siya lumabas nang walang bodyguard? "Don't worry, may kailangan lang kami sa daddy mo," sabi na

