"Hindi na ba talaga kayo magkakabati ni Lauren?" malungkot na tanong ni Shaina kay Sorell. Kasalukuyan silang namamasyal sa Chinese garden kung saan dinala ni Eros si Shaina noon. Inaaya siyang lumabas ni Lauren at gusto niya sanang isama si Sorell pero tumanggi ang lalaki. "Hindi pa ako handang makipag-usap sa kanya," halatang umiiwas na sagot nito. "Sana maintindihan mo. Masakit para sa'kin na mawala ka lalo pa na dating bestfriend ko ang dahilan." "I understand, Sorell," nakangiting tumango si Shaina. Masaya nang kinurot sa pisngi ni Sorell ang kasintahan, "Namiss kita, sobra." "I miss you too, Sorell." Hahalikan sana ni Sorell ang babae nang biglang tumunog ang cellphone nito. Galing iyon sa ina ni Leigh at tinatanong kung pupunta sa bahay ang dalaga. Napabuntong-hininga si Shaina

