"Happy Birthday, Lauren," nakangiting bati ni Emman at iniabot ang regalo sa dalaga. Debut ni Lauren nung gabing iyon at masayang-masaya siya dahil nandoon lahat ng mga mahal niya sa buhay. "Salamat," kaswal niyang sabi kahit kinakabahan siya dahil ngayon na ang opisyal na araw na liligawan siya nito. Lalo siyang na conscious nang makitang nakatitig ito sa kanya. "T-tara na, Emman, magsisimula na ang party," isinukbit niya na ang kamay sa braso nito. Ito ang escort niya nung gabing iyon kaya naman buong gabi niya makakasama ang binata. "Lauren, happy birthday." Nagulat siya nang lumapit si Shaina. Matagal na silang hindi nagkikita ng dating kaibigan. Pumayag siyang iinvite ito dahil hiniling ni Eros. Pero ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makitang nakasunod si Sorell dito. Nagk

