Ipinasundo si Rosette ng ama sa driver para sa mag dinner sa isang sikat na restaurant. It was her eighteenth birthday at dahil sa katapusan pa ng buwan gaganapin ang debut niya, nag dinner lang sila nung gabing iyon. Hindi kasama si Leigh at ang ina nito na ikinatuwa ni Rosette. Mabuti na lang at pinagbigyan ng ama ang hiling niya. Nagulat siya nang makitang kasama sa dinner ang kaibigan ng ama na si Amaro Tan. Katabi nito ang anak ng lalaki na halatang maputi at matalino. Tahimik na humalik si Rosette sa ama at naupo sa tabi nito. "Rosette, you remember your uncle Tony, right?" nakangiting tanong ni Mr. Northwood. Tumango lang si Rosette at nag-concentrate na sa pagkain. "This is his son, Travis." Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay ni Rosette kay Travis na halatang nabighani sa ka

