"Saan lakad mo?" tanong ni Rio nang makitang palabas ng bahay ang asawa. It was the first time she decided to go out. Tinabingan nito ng puting balabal ang mukha at nakasuot din ng puting longsleeve. "M-magsisimba." Lalong nagulat si Rio at bahagyang natawa. Rosalie is not a religious person. Lalo tuloy siyang nagduda. "Ihahatid kita. Gusto ko ring magsimba." "Huwag na," mabilis na pigil nito. "I'll be fine. Dadaan lang naman ako sa simbahan. Makikipagkita talaga ako kay Emman." "Fine," wala ng nagawa si Rio. Isa pa, malaki naman ang tiwala niyang hindi ito pababayaan ni Emman. "Susunduin ka ba niya?" "Ihahatid ako ni mang Ben," ngumiti na si Rosalie. Dumating na nga ang matanda. "Handa na po ang kotse, ma'am," magalang na sabi nito. "Ingat kayo," nginitian ni Rio ang matandang

