Isang sampal ang natanggap ni Jessa mula sa ina ng binata. "Hindi ka pa ba kuntento na sinira mo na ang reputasyon niya? Na nag-suicide si Sarah?" galit na tanong ni Mariel. "Napakasama mo. Ano bang kasalanan sa'yo ng anak ko?" Hindi nakasagot si Jessa. Napapikit na lang siya at tumakbo palayo roon. Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na pati ang pamilya ay tinalikuran siya. That day when they decided to send her to America para magtino. Tinanggap niya lahat ng masasakit na salita and the world turned its back on her. Iyon ang huli nilang pagkikita ni Andrew. Six months later... "Rio, umalis na ang mga bisita," pumasok si Jessica sa loob ng kwarto ng anak para tingnan kung ano ang ginagawa nito. Dahil nakalock iyon ay ginamit niya ang master key. Katulad ng nakaraang araw, wala

