Ilang oras ding walang malay sa ospital si Emman at mag-isa lang na nagbabantay si Lauren. Natawagan niya na ang mga magulang at parating na raw ito pero ang mga magulang ni Emman ay hindi niya tinawagan dahil nagbilin ang kasama nito na huwag tatawagan ang mga magulang ni Emman. Umalis din kaagad ang lalaking kasama nila at bumalik sa warehouse para tulungan ang ibang mga kasama. "Pssst..." Napalingon siya nang marinig ang tinig ng lalaki. "Gising ka na pala," nilapitan niya ang nakangiting lalaki na pilit bumangon sa pagkakahiga. "I miss you," malambing na sabi nito kahit halatang nanghihina pa. "Kailangan mo yatang matulog ulit," namumulang sabi ni Lauren. Tawa naman nang tawa si Emman. Ginagap nito ang kamay niya at sumeryoso. "I'm proud of you for being brave. Hindi na ikaw

