Tulog na tulog si Rosette at Sorell sa likod ng kotse ng lalaki habang si Emman ang nagmamaneho. Kinakabahan naman si Lauren dahil baka carnapin ang kotse ng pamangkin. Hindi niya naman kilala nang lubos ang kasama kahit mukhang mayaman din naman ito dahil halatang mamahalin ang suot nitong relo. Nagtanggal ng shades ang lalaki at lalo siyang kinabahan nang mahuli nitong nakatingin siya. Agad na nagbawi ng tingin si Lauren. Mukhang suplado ang isang ito at kakainin siya nang buhay. Napansin niya ang tattoo sa kanang bahagi ng braso nito at tahimik na pinagmasdan iyon. "What are you staring at?" pormal na tanong nito. "Ha?" hindi agad nakasagot si Lauren, "W-wala. 'Yung tattoo mo kasi ang astig." Sa unang pagkakataon ay nakita niyang ngumiti ang lalaki. Tipid na ngiti lang iyon pero la

