Hindi alam ni Shaina kung ano ang gagawin. Ayaw niyang tuluyang layuan si Sorell at Loren dahil ito lang ang mga kaibigang maituturing niya sa Northwood. Pero natatakot din siya sa banta ni Rosette. "May gusto ka ba kay Sorell?" mataray na tanong ni Rosette nang minsang abangan siya nito sa labas ng school. "Wala ha." Mariing tanggi ni Shaina. Totoong gwapo ang kaibigan niya pero ayaw niyang umasa dahil alam niyang kahit tahimik ito ay maraming nagkakagusto sa lalaki. Baka mapahiya lang siya sa huli. "Pwes, layuan mo siya." Utos ni Rosette, "Ayaw ko nang makikita kang sumasama sa kanya. Hindi mo alam kung paano ako magalit." "Rosette..." kinabahan si Shaina. Wala pa naman masyadong tao sa gawing iyon. "Leave him, Shaina. I'm serious. Hindi ako papayag na agawin mo sa akin si Sore

