"What's the meaning of this?" salubong ang kilay na tanong ni Rio. "What are you doing here?" kaswal na tanong naman ni Andrew na tila walang epekto rito ang nakita ng kaibigan, "Hindi mo naman oras ng pag-aalaga ngayon ha?" "Sagutin mo ang tanong ko," galit na utos ni Rio sa kaibigan. Hindi dapat ito nakikipagyakapan kahit kanino. Pagkatapos ng nangyari dito at sa kapatid niya. "Wala akong dapat sagutin, Rio," nainis na rin si Andrew, "Ano ba talagang problema mo?" Hindi agad nakasagot si Rio. Ano nga ba talagang problema niya? Kung tutuusin wala namang masamang ginagawa ang kaibigan dahil si Rosalie ang nakita niyang yumakap dito. Isa pa, wala naman talagang relasyon ang kapatid niya at si Andrew. "Hindi ka dapat nakikipagyakapan sa nurse ng kapatid mo." "Wala kang pakialam,

