"Sabi ko na nga ba, maaabutan kita dito," nakangiting bati ni Eros kay Shaina nang makita ang dalagita sa parke. Malungkot na ngumiti si Shaina. Mabuti na ring may kausap siya. Mabait naman si Eros at napalagay na rin ang loob niya sa lalaki. "Dito lang naman ako pwedeng tumambay," katwiran ni Shaina. "How's Leigh?" umupo ang lalaki sa katabing duyan at mahinang inugoy iyon. Hindi agad nakasagot si Shaina kaya napailing si Eros. "Sinigawan ka ulit niya no?" "Depressed siya, Eros. Naiintindihan ko naman." Hindi na nagsalita pa ang lalaki kaya iniba na ni Shaina ang usapan. "Bakit nga pala hindi ka nanood ng race ni Emman? Kinuha ako ng kapatid mo na muse ng racing team." Napakunot noo si Eros, "magkakilala pala kayo." "He's nice." Napansin ni Shaina na biglang sumeryos

