Hindi alam ni Rosalie kung ano ang gagawin nang makita si Rio. Hindi niya akalain na makikilala siya nito. "Rosalie, alam kong ikaw 'yan. Anong ibig sabihin nito?" hindi galit kung hindi pag-aalala ang nakikita niya sa mga mata ni Rio. Gusto niyang tumakbo palayo roon. "Huwag kang lalapit," matigas na utos ni Rosalie nang makabawi. Hindi pwedeng masira ang plano. Ngunit nagpatuloy sa paglapit si Rio, "Rose, don't do this." Humigpit ang paghawak ni Rosalie sa baril, "huwag ka sabing lalapit! Hindi ako nagbibiro." Huminto naman sa paglakad si Rio pero walang mababakas na takot dito, hindi katulad ni Alianna na halos himatayin na sa takot. "Bitawan mo 'yang kasama mo," utos ni Rosalie kay Rio ngunit mas humigpit ang pagkapit ni Alianna sa lalaki. "Why are you doing this?" tanong

