Tahimik na nanonood ng T.V. si Andrew habang kumakain ng popcorn. Maya-maya ay malalim siyang napabuntong-hininga. Pinatay niya ang t.v. at tiningnan ang oras. Alas dose na pala ng gabi. Nahiga siya sa sofa at matamlay na napangiti. Sobrang tahimik ng condo niya. Naalala niyang madalas silang manood ni Sarah ng movie tuwing weekends. Naalala niya si Jessa at ang balak na paghihiganti. He needs to move soon habang madali pang kuhanin ang loob nito. "Nasaan kaya ang pasaway na iyon?" tanong ni Andrew sa sarili. Nag-ring ang cellphone ni Andrew pero hindi niya sinagot iyon dahil alam niyang isa lang iyon sa mga babae niya. Hanggang sa hindi na siya nakatiis at kinuha na ang cellphone dahil patuloy pa rin sa pagtawag ang caller. Nagulat siya ng mommy niya pala ang tumatawag. "Ma, napa

