"Hindi namin niloko ang mga magsasaka, Rio," kwento ni Rodell sa apo. "Hindi nila alam na hindi pag-aari ng pinsan kong ang hacienda at wala siyang karapatan dahil nabili ito ng mga magulang ko mula sa kanila bago ipamana sa akin. Nasa kasulatan din na hindi pwedeng ipagbili ang lupa sa mga magsasaka dahil kailangang maabutan pa ito ng mga susunod na henerasyon ng mga Villareal. Ipinaglaban ko ito dahil ayaw kong mawala sa akin ang pinagpaguran ng mga magulang ko. Dahil nasa posisyon siya, napaikot niya ang mga tao at kahit nang pinanigan ako ng korte, tayo pa rin ang lumabas na masama. Hindi ko alam na aabot sa ganito ang lahat. Sana pala ibinigay ko na lang." Alam ni Rio na walang kasalanan ang pamilya nila at tama lang ang ginawa ng lolo dahil iyon din ang gagawin niya. Dahil lang sigu

