Halos isang linggo akong 'di pinatulog dahil sa request nila Dad at Mom sa akin. Ano bang akala nila sa akin? Baby maker? At isa pang kinatataas ng presyon ng kili-kili ko ay ang gagong si Stanley, tsk! Dahil sinabi kong I trust him, ayon ang unggoy nakipaglaro ng apoy sa dating jowa. Akala naman niya ikinadagdag ng kagwapohan niya 'yon! Feelingero lang siya. Mabuti na lang talaga at naisipan ko siyang i-surprised last night. Kaya ayon nakita kong naglalandian sila ng linta niyang ex. Akala siguro ni Jenny ay susugurin ko siya ng sampal. Hah! Anong tingin niya sa akin eskandalosa? Huwag niyang igaya ang ganda ko sa kagagahan niya. Pero syempre sinampal ko pa rin silang dalawa ni Stanley. Lintek lang ang walang ganti. Naalala ko pa ang nangyari last night.
Paakyat na ako sa unit ni Stanley, magpapasama sana ako sa kanya na manood ng sine. May bagong labas kasing K-drama movies, wala akong ibang maaaya kundi ito. Nakita kong hindi nakasara ang pinto ng condo niya kaya naman pumasok na ako sa loob para lang masaksihan ang isang kahindik-hindik na pangyayari. OA na kung OA ang reaction ko pero I don't care.
Malakas akong pumalakpak na parang isang fan girl na nakita sa personal ang idol. Ganoon ako kalala.
"Wow! Tagu-taguan pala ang gusto niyo. Pero mukhang ang bilis niyong makita, hindi niyo naman nilagyan ng effort para makapagtago kayo ng maigi!" maarte kong pahayag sa kanila. Hindi kaagad sila nakahuma sa pagdating ko. Paano ba naman parang sarap na sarap sila sa kanilang ginagawa. Nakita ko na ang halos hubad na katawan ni Stanley. Nang magtama ang paningin namin ay biglang nawalan ng emosyon ang aking mukha.
"H-hon-"
"Hon? We're intimately kissing a while ago tapos may pa-hon hon ka pa!" galit na putol ni Jenny sa sinasabi ni Stanley.
"Wait! I will just clear myself here." Seryoso kong saad sa kanila. Gusto pa sanang magsalita ni Stanley nang itaas ko ang aking kanang kamay upang pahintuin ito. Matatalim rin ang mga matang tiningnan ako ni Jenny pero tinaasan ko lang ito ng kilay.
"Stanley, we're done. Balikan mo na lang ang lintang 'yan at mukhang hindi pa nakaka-move on sa 'yo, at mukhang gayon ka rin sa kanya. Bye!" matapang kong saad sa kanila. Ngunit may nakalimutan akong gawin sa kanilang dalawa. Kaya naman ay humarap ako sa kanila.
"Wait!" sabi ko pa, "May nakalimutan pala akong gawin," nakangiti kong saad sa kanila.
Dahan-dahan akong humakbang kay Stanley at malakas itong sinampal. Nabigla ang gago kaya hindi kaagad nakapag-react.
"Stanley! What did you do?!" nanlilisik ang mga matang sigaw ni Jenny. Mala-demonyo ko itong nginitian. Lumapit din ako sa dalaga at malakas itong sinampal. Tumabingi ang mukha ng babae.
"Bagay nga kayong dalawa, ang kakapal ng mukha." Nakangisi kong pahayag bago ko sila tinalikuran.
Inaamin kong mang-aagaw ako ng jowa ng mag jowa, pero I never cheated to anyone. Kung gusto rin ako ng lalaki, he must break with his girlfriend first bago ko siya sagutin. Hindi ako papayag na maging kabit at lalong hindi ako papayag na lokohin lang basta-basta.
Malakas na tunog ng cellphone ang nagpabalik sa aking pagbabalik-tanaw.
Agad kong kinuha ang maingay na telepono at sinagot ang sinomang tumatawag sa akin.
"Hello?" sagot ko sa kabilang linya.
"Hi! It's me Victoria, I want to invite you in my party tonight. If it's okay with you?" maarteng tanong n'ong nagngangalang Victoria. Tsk! How did she know my number? Wala akong natatandaang Victoria sa- oh! I remember her, siya 'yong nakasama ko sa isang summer festival last year.
"Oh? Victoria, how are you?" imbes na sagutin ang tanong nito ay kinumusta ko muna ito. Mahina itong tumawa.
"I'm fine. So, ano punta ka sa bahay mamayang gabi?" tanong ulit nito sa naging imbetasyon nito kanina.
"Sure, I should not miss your party tonight," sagot ko rito.
"That's good to hear, see you tonight. Bye!" paalam nito sa akin. Matapos kong maibaba ang cellphone ko ay naisipan kong magpasalon ngayon at mag-shopping para sa susuotin kong night gown mamaya.
I should be beautiful, baka may maagaw na naman akong jowa mamaya. Natawa ako sa sarili ko. Kaka-break pa lang namin ni Stanley pero heto at maghahanap na naman ng bagong jowa.
Nawala ang ngiti ko nang maalala ang sinabi ni Dad sa akin.
"I will give you two months para makahanap ng lalaking mapapangasawa at kung wala kang lalaking maihaharap, isa lang kailangan ko, ang apo mula sa 'yo. Naiintindihan mo ba? Kung hindi ka pa rin magbubuntis sa loob ng dalawang buwan ay mawawala lahat ng kayamanang para sa 'yo." Seryosong saad ni Dad.
Malakas akong napabuntonghininga at sumigaw. Nakaka-stress sila Dad at Mom!
Para lang sa apo ay pahihirapan talaga nila ako? I'm their only daughter! I'm Beatrice Hazel Isabella Elise Inson, the one and only heir of Inson empire!
Dahil sa inis ay mas pinili ko na lang na pumunta sa salon nang mawala ang mga stressed sa mukha ko.
Nasa spa na ako ngayon at kasalukuyang inaayos ang buhok ko.
Matapos ang pagpapaganda ko ay nagtungo ako sa isang favorite kong boutique.
Nakita ko ang isang red long party gown. Napangiti ako sa kanyang style. It was sequined high split wrap party gown. Ang split nito ay hanggang sa gitna ng hita ko. Tube style 'yon kaya naman hakab na hakab ang dibdib ko. Napangiti ako. Siguradong maglalaway na naman ang mga kalalakihan mamaya kapag nasilayan na ang kagandahan ko.
For the meantime ay sa condo ko ulit ako umuuwi. Nag-iisip pa rin ako ng paraan kung paano ko matutupad ang kagustuhan ng mga magulang ko. Hindi ko pa kasi nakikita ang lalaking gusto kong maging ama ng magiging anak ko. Kainis naman talaga sila Dad at Mom! Gusto ko pang maging malaya, at maging masaya sa buhay na meron ako ngayon. Ang bata-bata ko pa para magkaroon na agad ng anak.
Kinagabihan ay handa na akong pumunta sa party ni Victoria. I'm gorgeous with my red tube night gown. Pagkababa ko pa lang sa kotse ay agad nakatutok ang mga mata ng halos lahat ng bisita sa akin. Paanong hindi tututok ang mga paningin nila sa gandang meron ako? Para akong diyosa na bumaba sa langit. Matamis ko silang nginitian isa-isa.
Bawat hakbang ko ay nakasunod ang mga matang humahanga sa akin. Kung ang mga kalalakihan ay laglag pangang nakatingin sa akin, ang ibang kababaihan naman ay pinaghalong inggit at inis ang makikita sa mga mukha nila.
Hinanap ng paningin ko si Victoria pero hindi ko ito nakita. Kaya nagdesisyon akong pumunta muna sa may pool area. Humakbang na ako nang may biglang humarang sa dinaraanan ko. Taas-kilay kong tiningala ang lalaking siyang humarang sa akin. Wow! Na-attract agad ako rito. He's so hot and yummy. Tatarayan ko na sana ito nang magsalita ang lalaki.
"You're Bhie? Victoria's friend?" baritono ang boses nitong tanong. Napalunok tuloy ako. Ang swabe ng boses. Nakakalaglag ng panty! Ay shunga lang Bhie!
Matamis ko itong nginitian.
"Yes, I'm Bhie and you are?" malambing ang boses kong tanong dito. Inilahad ko pa ang malambot kong kamay. Tinanggap naman 'yon ng binata at saka sinabi ang pangalan nito.
"I'm Brent, nice meeting you gorgeous." Nakangiti na nitong pakilala sabay puri. Naku! Kinilig ang mani ko. Nabuhayan ata ang laman loob ko.
"Oh! Our names are perfect, Bhie and Brent. What do you think?" nakangiti kong tanong dito. Magsasalita pa sana si Brent nang may tumawag sa kanya. Hinila ko naman ang kamay kong hawak ng binata.
"Honey!" dinig kong tawag ni Victoria sa binata. Wow! Huwag niyang sabihing boyfriend ni Victoria ang binatang kaharap ko. Shït! Bakit ba ang ga-gwapo ng mga jowa ng mga kaibigan ko? Tsk! Ang dami namang gwapong nanliligaw sa akin, kaya lang mas gusto ko 'yong taken na at aagawin ko na lang sila sa kanilang jowa. It's so much fun, and challenging. Nabuhay na naman ang kagustuhan kong agawin kay Victoria ang hot and yummy nitong boyfriend. At mukhang na star struck din naman ang binata sa akin. Matamis akong ngumiti nang makalapit si Victoria sa amin. Agad na humawak ito sa braso ng kanyang boyfriend.
"Good evening, Victoria!" bati ko kaagad sa may pa-party. Nilapitan ko ito at saka niyakap, dahil magkatabi lang sila ng jowa nito ay pasimple kong hinawakan ang braso ng lalaki at saka kinindatan. Mukhang nakuha naman kaagad nito ang gusto kong mangyari.
Matapos ang kumustahan ay hinila na ni Victoria ang jowa nito matapos maipakilala kami sa isa't-isa.
Nagpunta ako sa may garden area, halos walang katao-tao r'on dahil nasa pool area at nasa loob ng mansion ang mga bisita. Medyo madilim rin ang bahaging ito.
Ilang minuto akong nakatitig sa kalangitan nang may tumikhim sa likuran ko.
Paglingon ko ay si Brent ang nakita ko. Matamis ko itong nginitian.
"Hi!" bati ko rito.
"What are you doing here?" tanong nito at iniabot nito sa akin ang kopita ng alak.
"Thanks," pasasalamat ko rito.
"Where's Victoria?" I asked.
"Estimating her visitors," balewala nitong sagot. Masaya kaming nag-kwentuhan ni Brent. Masaya siyang kasama kaya balak ko siyang agawin kay Victoria.
"You're so funny!" natatawa kong saad sabay hampas sa braso nito.
"Brent!" malakas na sigaw ni Victoria ang nagpahinto sa akin sa pagtawa. Sabay pa kaming lumingon ni Brent.
"Victo-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil malakas niya akong sinampal. How dare she slapped me?!
"Victoria! What are you doing?!" galit ang boses na tanong ni Brent.
"What I'm doing? Really Brent? Nakikipaglandian ka sa kanya habang busy ako sa aking mga bisita?!" malakas ring sigaw ni Victoria. Mabuti na lang at malayo kami sa karamihan dahil grabe palang mag-eskandalo si Victoria.
Dahil sa inis ay inisang hakbang ko lang si Victoria at malakas din itong sinampal.
"How dare you slapped me?!" galit kong singhal dito.
"Tinatanong pa ba 'yan? Halata namang nilalandi mo ang boyfriend ko! Malandi ka!" sigaw rin nito at akmang susugurin ako. Bago niya pa ako maabot ay mabilis nang pumagitna si Brent sa aming dalawa.
"Insecure ka lang sa ganda ko! Ikaw ang may party pero sa akin nakatutok ang attention ng mga bisita mo!" gigil kong sigaw rito.
"I regretted for inviting you here!" malakas nitong sigaw.
"Oh dear! I also regretted coming here! Ganito ka pala ka eskandalosa! My goodness!" matapang ko ring pahayag.
"Malandi ka kasi! Siguro nga tama ang tsismis tungkol sa 'yo! You're a whöre! Bïtch!" pang-iinsulto nito sa akin.
"It's not my fault kung magpaagaw man ang mga jowa niyo sa akin! At hindi ko rin kasalanan kung nagpapalandi sila!" sigaw ko bago ko tinalikuran si Victoria. You will regret that you slapped me bïtch! Lalo na ang pagtawag mo sa akin ng malandi! I'm the only heir of Inson empire at walang dapat na kumanti sa isang Bhie Inson.