Airport, BHIE

1803 Words
Dahil sa inis ay nag-walk out ako sa dinner naming magpamilya. I want to shout my frustrations. Grabe! Napakadali para sa kanilang sabihing maghanap ako ng lalaking magbibigay ng anak sa akin. Kahit ganito naman ako ay gusto ko pa rin ang magiging ama ng anak ko ay ang lalaking mahal ako. Pumunta ako sa may pool area. Kailangan kong mapag-isa. Ang galing din ni Dad eh no? May nakahanda kaagad na plano. Parang nasa isang buffet lang ang mga lalaking inerereto nito. Dahil sa inis ay pinagsisipa ko ang mga damo. “Ahhhh!” malakas kong sigaw. “Grabe! Nakakabingi naman ang sigaw mo!” napalingon ako nang may magsalita sa likuran ko. “What are you doing here?” inis kong tanong sa pinsan ko. Mahina itong tumawa at tinapik ako sa aking braso. “I'm here to see Savannah. Masama ba?” sagot nito sa akin. Seryoso ko itong tinitigan. Ramdam ko na may tinatago ito sa akin, silang dalawa ni Savannah. Nawala ang ngiti nito sa labi at seryoso rin akong tiningnan. “Sabihin mo nga ang totoo sa akin Kuya Pierre, may hindi ka ba sinasabi sa akin? May ginawa ka ba sa best friend ko?” seryoso kong tanong dito. Hinarap ko na ito. Malakas ang kutob ko na si Kuya Pierre ang kausap ni Savannah sa cellphone kanina. Kitang-kita ko ang gulat sa mga nata nito. Umiwas ito ng tingin sa akin at tumingala upang mapagmasdan ang kadiliman ng langit. Hinintay ko itong sumagot. Rinig ko ang malakas nitong buntonghininga. “Isa lang ang masasabi ko sa iyo. I love her. Walang nagbago sa nararamdaman ko sa kanya.” Puno ng sensiro ang kanyang boses habang sinasabi iyon. Matagal ko ng alam ‘yon. Pero ang hindi ko alam ay kung bakit galit na galit si Savannah dito. “May ginawa ka bang masama sa kaibigan ko?” tanong ko ulit. Hindi ito umimik. Kaya napatanuyan ko na may ginawa nga si Kuya Pierre na siyang ikinagalit ng best friend ko. “Best!” narinig ko ang pagtawag ni Savannah sa akin. Agad akong lumingon kay Savannah. Hindi pa nito napapansin si Kuya Pierre dahil natatabunan ng malalaking halaman ang pinsan ko. “I'm here,” sagot ko rito. Mabilis naman itong naglakad papunta sa gawi ko. Nang makalapit ito sa akin ay bigla itong natigilan. Nagbago ang kanyang mukha. Habang tinitigan ko si Sav ay hindi ko na ito makilala. Ibang-iba sa inosente at sweet na Savannah na nakilala ko. She's way too different. Hindi lumingon si Kuya Pierre sa amin. Matatalim ang mga titig ng best friend ko sa likod ng pinsan ko. “What are you doing here?” madiin na tanong ni Sav. Nakalimutan niya yatang nandito ako at nanonood sa kanila. Lumingon si Kuya Pierre sa amin or should I say kay Savannah. Wala akong makitang ekspresyon sa mukha nito kaya hindi ko mabasa ang kanyang emosyon. “The answer is obvious. It's because of you,” deretsong sagot ng pinsan ko. “Hindi ka ba nakakaintindi?” galit nitong tanong. Nakita ko kung paano manginig ang katawan ni Sav, agad ko siyang nilapitan at niyakap upang uminahon ito. “Kuya Pierre!” nagbabanta ang mga tingin kong tawag dito. Nilingon lang ako ng pinsan ko at ibinalik kaagad kay Sav ang paningin. “What? Nandito ako para sa kanya. I'm willing to wait until she forgive me.” Seryoso nitong pahayag. Habang sinasabi ng pinsan ko iyon ay sa best friend ko naman nakatingin. Naramdaman ko ang pagkuyom ng kamao ni Sav. “Ang kapal ng mukha mo! You're a devil! Layuan mo na lang ako!” malakas na sigaw nito at agad na lumapit kay Kuya Pierre at pinagsusuntok ito. Nagulat ako sa ginawa ng best friend ko. Akma ko itong aawatin nang makita kong umiling ang pinsan ko. Hinayaan lang nito ang kaibigan kong suntukin ito. Hanggang sa mapagod na ito, mabilis namang inalalayan ni Kuya Pierre ang kaibigan ko. “Just get out of my life! I don't need you!” nanghihina nitong sigaw. Agad kong kinuha ang kaibigan ko sa pag-alalay ni Kuya Pierre. Napagpasyahan ko na munang huwag nang umuwi sa condo at sa mansion na muna kami matutulog. Masama kong tiningnan ang pinsan ko. Bumuntonghininga lang ito at saka iniwan kami. Savannah is still crying. Hindi ko alam kung anong pinag-ugatan ng kanilang away. Pero I know it's a serious matter. Hinagod-hagod ko ang kanyang likod. “Shhh. . . stop crying na. Nag-aalala na ako para sa ‘yo,” nag-aalala kong saad dito. Hindi ito nagsalita hanggang sa makatulog ito. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako inaantok. Nagpasya akong bumaba para uminom ng gatas. May meeting pa ako bukas at ayaw kong makita ang malalaking eye bags ko. Pagbaba ko ay nakita ko kaagad si Mom. Mukhang hindi rin ito nakatulog. Deretso lang akong pumasok sa kusina. Hindi ko pinansin si Mom. Alam kong nakasunod ang aking ina sa akin. “Hija,” malumanay na tawag nito sa akin. Hindi ako lumingon, kumuha ako ng fresh milk sa ref at nagsalin sa babasaging baso. Ibinalik ko ang fresh milk sa loob ng ref at isinara iyon. Malakas na bumuntonghininga naman ang aking ina. “I'm sorry anak, kung pinipilit ka na naming mag-asawa na. Alam mo namang tumatanda na kami. We need an heir after you.” Mahinahong pahayag ni Mom. “Hindi ko pa nakikita ang lalaking para sa akin,” sagot ko rito. “It's okay. May dalawang buwan ka pa naman para hanapin ang the one mo. Nararamdaman kong malapit mo ng makita ang magpapatibok sa puso mo,” nakangiting saad ni Mom. Tila ba siguradong-sigurado ito. “Fine! Pero kapag hindi ako makahanap ay hindi ako mawawalan ng mana.” Pakiusap ko sa kanya. Ngunit malungkot lang itong ngumiti sa akin. “Just do your best dahil future mo ang nakasalalay rito.” Matapos sabihin ng aking ina ‘yon ay agad na itong umalis. Halos wala akong tulog kinagabihan. Maaga pa rin akong nagising at agad na umalis sa mansion. Hinayaan ko na muna si Savannah na matulog. She needs to rest. Pagdating sa office ay agad akong sinalubong ng secretary ko. “Miss Bhie, nakapag-schedule na po ako ng meeting sa IGC,” nakangiti nitong balita sa akin. Malapad akong napangiti. “Really? Kailan ang meeting namin?” tanong ko habang naglalakad papunta sa table ko. “Next week, Miss Bhie. He's arriving today,” sagot ni Elizabeth. Tumaas ang kilay ko. “Arriving?” nalilito kong tanong sa babae. “Yes Miss Bhie. He's from abroad,” she answered. Tumango-tango ako rito. “Good. Thank you. Prepare our proposal,” utos ko rito. “Noted, Miss Bhie,” sagot agad nito. Busy ako buong umaga ko dahil ang daming proposal na kailangan kong i-review. Hindi ko namalayang pumasok si Kuya Pierre sa opisina ko. Taas ang kilay ko itong tiningnan. “Do you have any appointment?” taas ang kilay kong tanong sa aking pinsan. Naiinis pa rin ako dahil sa nangyari kay Savannah. I will not tolerate him to hurt my best friend. Hindi ito umimik at prenteng umupo sa sa sofa. Nakatitig pa rin ako sa kanya. “Help me,” nakikiusap nitong wika. I saw the determination in his eyes. Medyo lumambot ang puso ko para sa kanya. Isinandal ko ang aking likod sa swivel chair na kinauupuan ko. “You need help? Para kanino?” walang paligoy-ligoy kong tanong dito. Bumuga ito ng hangin. “Alam mo naman kung kanino. I want Savannah to be mine.” Seryoso nitong pahayag. Mas lalong tumaas ang kilay ko. “She has a boyfriend already. And it seems they're serious,” imporma ko rito. Nakita ko ang pagdilim ng mukha ni Kuya Pierre. Kumuyom din ang kamao nito. “I don't care! I want Savannah at hindi ako makakapayag na mapunta siya sa iba!” nagulat ako sa pagtaas ng boses nito. I can see that he's mad. Pero dahil pinsan niya ako ay hindi ako natakot dito. “Alam mo Kuya, ikaw dapat ang sumusuyo sa kanya. Ramdam kong may kasalanan kang ginawa kay Savannah. Ano ‘yon? Tell me, baka sakaling matulungan kita.” Seryoso kong pahayag dito. Umiwas ito ng tingin sa akin. “It's too personal to discuss. Ano tutulungan mo ba ako o hindi?” taas ang kilay kong tanong dito. Umayos ako ng upo at inikot-ikot ko ang ball pen sa kamay ko. I love Kuya Pierre, he's my knight and shining armour. But, I also love Savannah. I can't betray my best friend. She's always there for me and I treat her like my sister. Tinimbang ko ang aking magiging desisyon. I love them both and they're special for me. It's hard to decide. “I will help you. In one condition,” seryoso kong saad dito. Nakita kong nabuhayan ito ng loob. “Anong kondisyon ang gusto mo?” excited nitong tanong. “Give me one reason para maging deserving ka kay Savannah. Huwag kang magmadaling sabihin sa akin. Isipin mo munang mabuti, while I'm checking on her boyfriend.” Sagot ko rito. Ang kaninang masayang ngiti ay napalitan ng lungkot. I have no choice kundi ang gawin ito. Kikilalanin ko muna ang boyfriend ni Savannah bago ako mag-desisyong tulungan si Kuya Pierre. Nakita ko ang pagtayo nito. “Then, it's a deal.” He said seriously. Inilahad nito ang kamay sa akin na agad ko namang inabot. Pagka-alis ng pinsan ko ay naging busy ulit ako sa mga papeles sa harapan ko. Napapitlag pa ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Nakita kong si Savannah ang tumatawag sa akin. Agad ko ‘yong sinagot. “Yes, Sav?” agad kong sagot dito. “Best! Can you help me?” bakas ang pag-aalala sa boses nito kaya napatayo ako sa aking kinauupuan. “What happened?” I asked her. “Ngayon ang dating ng boyfriend ko and he said na sunduin ko siya sa airport, pero hindi ako makakapunta roon. I have dysmenorrhea, and I can't even walk.” Halata sa boses nito ang iniindang sakit. “Okay, ako na ang bahala. Just take a rest. Dederetso ko na lang siyang ihahatid sa Villa Margarita. Send the name of your boyfriend para maisulat ko sa isang cartolina.” Utos ko rito. “Thank you so much,” pasasalamat nito na nginitian ko na lang. Pagkatapos na mabasa ay agad kong isinulat sa buong cartolina ang pangalan ng binata gamit ang permanent marker. Ako na ang nagmaneho papunta sa airport. Pagdating ko doon ay agad kong itinaas ang dalang cartolina. Nagpalinga-linga rin ako. Sheyt! Para lang akong tanga rito sa airport. Nasaan na ba kasi ang susunduin ko? Inis na tanong ng aking isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD