Napaangat ang ulo nang may kumatok sa aking office. Pagtingin ko ay ang kaibigan kong si Bruno ang pumasok.
“What's up bro?” agad na bati nito sa akin. Tumayo ako at nagkamay kaming dalawa.
“Take a sit,” ani ko rito. Agad naman itong umupo at nag-de-kwatro.
“What brought you here?” tanong ko kaagad sa matalik kong kaibigan. Pailalim niya akong tiningnan kaya nailang ako sa mga titig nito.
“Are you really sure about your decision?” taas ang kilay nitong sa akin. Alam ko na ang ibig nitong sabihin. I told him that I'm going to spend my vacation in the Philippines. And he's worried about me, dahil hindi ako sanay sa bansang ‘yon. Bumuntonghininga ako at saka seryoso itong tiningnan.
“Yes, I'm sure. I don't want Savannah to be disappointed.” I said as a matter of fact. Mas lalong kumunot ang noo nito. Alam kong tutol ito sa relasyon namin ng dalaga. I don't know why. Wala naman akong sinabi rito at isa pa, matagal ko ng kaibigan si Savannah at matagal na rin ang aming relasyon.
“I mean, are you sure about Savannah? Sa nakikita ko ay parang magkaibigan lang kayong dalawa,” naiiling nitong pagtatama sa akin. Tsk. Akala ko pa naman ay nag-aalala ito dahil makikita ko na naman ang taong naging dahilan kung bakit pinili ko ang manirahan dito sa spain.
“I'm sure about her. Bakit ba iba ang pakikitungo mo sa kanya. She's very kind and sweet.” Pagtatanggol ko sa girlfriend ko. Malakas lang itong bumuntonghininga.
“Hindi ko naman sinabi na hindi mabait ang dalaga. I can feel that she's different. Ang akin lang ay-”
“Stop it, Bruno. Puro ka na lang feeling mo. Puro naman mali ang mga akala mo. I love her, kaya tigilan mo na ako. Maghanap ka na lang ng babaeng magpapatino sa ‘yo,” agad kong putol sa anomang sasabihin nito. Tsk! Mas magaling pa ito sa akin. Nakita ko kung paano ito sumimangot.
“Fine! Mapanakit ka sa mga single na kagaya ko!” saad nito sabay hawak sa kanyang dibdib na akala mo ba nasasaktan.
Malakas naman akong natawa sa sinabi nito.
“Single my ass! Para ka ngang nagpapalit ng brief kung makapagpalit ng babae! Umalis ka na nga at masyado mo lang akong iniistorbo sa mga ginagawa ko!” pagtataboy ko rito. Tumayo naman ito at tinitigan ako.
“I'm watching you, bro!” sabi nito habang nakatutok ang dalawang daliri sa mga mata nito at itinuro ako. Dahil sa inis ay binato ko ito ng hawak kong ball pen. Mabuti na lang at mabilis nitong naiwasan ‘yon. Tatawa itong lumabas ng office ko. Hay! Bakit ba ayaw nilang lubayan ang relasyon namin ni Savannah? We both love each other. Napailing na lang ako. Five years na kami pero mukhang hindi pa rin nila natatanggap ang dalaga para sa akin.
Dahil sa dami ng iniisip ay hindi ko napansin na panay na ang pag-vibrate ng cellphone ko sa ibabaw ng aking mesa. Kinuha ko ‘yon at nakita kong tumatawag si Savannah. Napangiti ako at agad na sinagot ang tawag nito.
“Yes babe,” agad kong sagot dito.
“Good news! May matitirhan ka na rito. Pinagamit muna ng best friend ko ang vacation house niya and it's free!” masayang balita nito sa akin. Napangiti naman ako. Kahit kailan talaga ang kuripot. Napakasaya niya kapag nakakarinig ng libre.
“You don't need to do that, Sav. I can buy a house there, hindi ka na sana nag-abala pa. And pwede rin naman akong mag-hotel while I'm in the Philippines.” Paliwanag ko pa rito. Not to brag, but I'm rich and I can buy everything I want. Pero ewan ko kay Sav at bakit ang tipid, hindi ko naman ito tinitipid eh.
“I know how rich you are Mister! Gusto ko lang naman na ako ang mag-ayos ng tutuluyan mo rito dahil ako ang nagpumilit na dito ka mag-bakasyon. Kaya hayaan mo na ako,” alam kong nakangiti habang senesermonan ako. Kakaibang babae talaga ‘to. Kung sa iba pa siguro ay kuntodo hingi na ng kahit na ano. Pero ang dalaga ay simple lang. Mga simpleng bagay lang din ang nagpapasaya sa kanya.
“Fine!” suko ko rito. Tumili ito at alam kong dahil sa pagpayag ko.
“Sige na bye! Isang buwan na lang at magkikita na tayo. I missed you already.” Malambing nitong saad.
“And I missed you too, babe. I love you,” malambing at puno ng sensiridad kong pahayag dito.
“I love you too, babe! Bye!” sabi nito at agad na nag-paalam. Napatitig ako sa cellphone ko. I admire her, dahil sa sobrang tapang at tatag niya. Ang dami niyang pinagdaanan pero heto at patuloy pa rin ito sa pagiging masaya.
Pag-uwi ko sa condo ko ay agad kong tinungo ang kwarto ko at nag-shower. Matapos akong makapagbihis ay agad kong tinungo ang aking laptop. Tatapusin ko muna ang mga dapat kong gawin dito bago ako magtungo sa Pilipinas. Nagpapasalamat nga ako kay Dad at pinayagan niya ako sa leave ko. Siya na muna ang mamamahala ng aming kompanya rito sa Spain.
Aside sa bakasyon at pagdalaw kay Savannah ay may ginawa rin akong proposal sa isang malaking kompanya. Nag-research ako at nalaman ko na isa silang successful company kaya gusto kong magkaroon ng ugnayan sa kanila. Habang tinintingnan ang mga nag-email sa akin ay naagaw ang attention ko sa isang email na galing sa kompanyang tinatarget ko.
Binuksan ko iyon at tiningnan ang reply. Malapad akong napangiti. Agad akong nag-type ng reply sa kanila. I'm going to meet them next week. Kaya ihahanda ko na lahat ng proposal ko for them. Matagal ko na naman ding napaghandaan iyon eh.
Kinabukasan ay nagpa-reschedule ako ng flight. Mas maaga kaysa sa orihinal kong plano. Tinawagan ko muna si Savannah para ipaalam dito.
“Yes babe,” sagot agad nito sa kabilang linya.
“Mas maaga ang flight ko kaysa sa original na plano. I have important meeting to attend to, is it okay with you?” tanong ko rito.
“Of course! Anytime ka namang welcome rito eh,” saad nito.
“Thank you so much! Bye!” pasasalamat ko rito sabay paalam.
Mabuti na lang at may girlfriend akong understanding.
Lahat ng naka-schedule kong meeting ay pinaaga ko na. Ang mga naiwan kong meeting ay si Dad na ang gagawa noon. Wala akong iniwang mga papeles at lahat ‘yon ay ginawan ko ng paraan. Nag-overtime ako para lang matapos agad. Magiging top priority ko kasi ang kompanyang pupuntahan ko sa Pilipinas.
Dahil sa susunod na araw na ang flight ko ay inaya ko muna si Bruno na samahan akong mga night out. Of course katulad din naman ako ng ibang lalaki na gusto ring magsaya. Ayaw ko namang maiwanan ng teknolohiya. Kahit na nga ba workaholic ako ay nagsasaya naman ako paminsan-minsan.
Sa isang ekslusibong night club kami nagtungo. Sabi ko kay Bruno na sa bar lang kami pero ang gago gustong manood ng dance show! Kainis lang din.
Pero wala akong nagawa dahil wala naman akong ibang malapit na kaibigan dito. Well, hindi naman kasi ako friendly, aloof ako sa mga tao. I don't know why. Sa Pilipinas nga ay iisang tao lang din ang itinuring kong kaibigan. But I end my friendship to him, he's a devil. Ayaw kong mahawa sa kademonyohan nito.
“Hey! We're here to enjoy!” malakas na sigaw ni Bruno sa akin. I glared at him, mauubosan kami ng boses dito kasisigaw. Ang ingay ng paligid at ang panay sigaw rin ng mga tao sa paligid, particularly mga lalaki. There's a live show, as usual ang babaeng sumasayaw ang pinagkakaguluhan nila. Pero ako, hindi gusto ang napapanood. I pity the woman who's now dancing. Marami naman sanang matinong trabaho but they end up working here. For me this is a dirty place. Siguro dahil naaawa ako sa mga babaeng ginawang negosyo.
“Earth to Quincy, cheers!” malakas na sigaw ni Bruno. Itinaas ko ang bote ng alak sabay tunggga nito. Isinagad ko talaga at parang tubig lang ito na dumaloy sa aking lalamunan. Wala akong maramdamang pait, ngunit humagod ang init nito.
Nakakailang bote na rin ako. Maging si Bruno ay mukhang lasing na. Napailing na lang ako. Ngunit nagkamali ako, ang tatag pa pala ng loko. Nang tumayo si Bruno ay siya namang pagdaan ng babae kaya hindi na nakaiwas pa ang kaibigan ko.
“What the fück!” malutong na mura ng babae. Agad ko naman itong inalalayan dahil muntik na itong matumba. Ipiniksi nito ang kamay ko na nakaalalay rito at matalim na tiningnan ang kaibigan ko.
Ngunit ang loko ay ngumisi lang dito.
“Gorgeous!” bulalas nito na siyang ikinalaki ng aking mga mata. Shït! Para itong tanga na nakatitig sa babae. Mukhang tinamaan ang loko. Napasinghap ako nang marinig ko ang malakas na tunog mula sa pagdapo ng palad ng dalaga sa pisngi ni Bruno. Mukhang hindi rin inaasahan ng binata ang ginawa sa kanya ng dalaga.
“Alam mo gwapo ka sana eh! Kaya lang ang bastos mo!” malakas nitong bulyaw sa kaibigan ko. Oh! She's a Filipina. Hindi na nakahuma pa si Bruno. Ngunit nabigla ako nang sundan niya ang dalaga. Natamaan na ng lintik si Bruno! Na love at first sight yata.
Kasalukuyan na akong nakasakay sa eroplano. I already informed Savannah kung anong oras ang arrival ko. And she texted me na susunduin niya ako sa airport at sabay na kaming pupunta sa Villa Margarita kung saan ako pansamantalang tutuloy.
Paglapag ng eroplano ay excited na akong masilayan ang Pilipinas. Ang tagal ko na ring hindi ito nasilayan. It's been five years. Matagal na din pala.
Tiningnan ko ang mga tao sa paligid at hinahanap ng mga mata ko si Savannah.
Pero hindi ko ito makita. Tiningnan ko ang aking cellphone. Ngayon ko lang nakita ang text ni Savanna. Hindi pala ito ang makakasundo sa akin dahil may dysmenorrhea ito. May ipinasa siyang picture ng isang babae na magsusundo sa akin. Best friend niya raw. Inilibot kong muli ang paningin ko. Halos kalahating oras na akong naghihintay at inip na inip na ako. Hanggang sa mahagip ng paningin ko ang isang puting cartolina na nakalagay ang buo kong pangalan. Nakita ko ang nakasimangot ba dalaga na siyang humahawak sa cartolinang puti. Lumapit ako rito.
“Miss, I'm Ezra Quincy,” pakilala ko kaagad dito. Matalim niya akong tiningnan. Ngunit kalaunan ay matamis itong ngumiti sa akin.
“Celebrity ka ba? Tagal mo kasi!” pasuplada nitong saad. Napamaang akong napatitig sa dalaga. Ang bilis magbago ng mood. Weird.