Kabanata XVI

1324 Words

Walang oras, araw, o panahon sa silid na ito ang lumipas nang hindi ko nararamdaman ang panliliit sa sarili. Bawat yapak na maririnig ko sa labas ng pinto, para akong sinusumpa—sumisikip ang dibdib at tila wala nang hangin na pumapasok. Hindi ko na maipaliwanag ang nangyayari sa akin. Hindi na ako umiiyak, wala nang luha ang tumutulo, pero ang bigat sa dibdib ay nananatili. Natutunan ko lang itago ang lahat ng ito, hanggang sa nasasanay at namamanhid na lang ako. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki, may dalang tray ng pagkain. Nilapag niya 'yon sa gilid ng pinto, may lamesa ron na nilalagyan nila ng gamit na ibibigay sa'kin. Hindi na sila lumalapit sa kama, para silang mga takot. Pakiramdam ko mayroon akong sakit na ayaw nilang mahawa nito. "Kain na, masarap ulam ngayon. Frid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD