Kabanata XVII

1355 Words

Nagising akong muli na tahimik ang paligid, walang kahit ano ang maririnig kundi ang pagsayaw ng mga dahon at sanga sa malapit na puno. Kasabay ng huni ng malalayang ibon. Tumayo ako at lumapit sa bintana, tinitigan ang kandadong bago. Hindi rin nila ako binigyan ng pagkakataong mamatay, kinulong nila ako para magdusa mag-isa, pati ang pagtakas tungo sa kamatayan ay pinagkait nila. Kahit mabuksan ko ito at tumalon, hindi rin ako mabubuhay sa taas ba naman. Pinakiramdaman ko ang paligid, hindi ko naririnig ang mga nagbabantay sa'kin sa labas ng pinto. Nagtataka akong lumapit at nilapat ang tenga. Anong oras na ba? Tirik na ang araw at ang tanging kasama ko lang ay ang pagkaing hinain sa'kin nang hindi ko namamalayan. Kinuha ko ang tray at dinala sa kama, kumalam ang sikmura ko at nata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD