Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng pinto, hindi ko alam kung sino pero mukhang may kailangan. Tumayo ako at lumapit, hinintay na kumatok muli, pero hindi na nasundan pang ang nauna. Dahan-dahan kong nilapit ang tenga ko sa pinto, walang ingay na maririnig o kahit paghinga. Ilang segundo pa ang lumipas. "The f**k!" gulat kong saad nang gumalaw ang doorknob. "Narinig ko 'yon! Minumura mo ba 'ko bestie?" Napairap ako, si Marisa lang pala. Akala ko kung sino na. Binuksan ko ang pinto, bumungad sa'kin ang kikay pa ring si Marisa. Nakasuot siya ng maikling palda at puno ng makulay na bracelet ang kamay, ang buhok ay bahagyang pinakulot at may kulay na kumukupas na. "Ano'ng sadya mo?" tanong ko matapos i-lock ang pinto. "Wala lang, patambay lang. Bawal ba?" sagot niya. Natawa ako, k

