"Marisa!" Mabilis ang hakbang kong lumapit sa hospital bed niya, bakas ang gulat sa mga mata niya kasabay ng pag-iwas ng tingin. "Anong nangyari? Sino gumawa nito sa'yo? Na-report mo ba? May tumawag naman ba ng pulis?" tuloy-tuloy kong tanong. Desperado akong malaman ang nangyari. Ang mukha ni Marisa ay may tabi-tabing pasa at galos. Halos manlumo ako nang umabot ang tingin ko sa balikat leeg niyang lantad, may galos din iyon at may bakas ng kamay. "A-Ano ka ba, Sese? Wala 'to, galos lang." When it's obviously not. Natulala lang ako sa kanya at prinoseso ang sinabi. Pilit pa rin niyang nililihis ang mukha, bagamat halatang kakagising lang ay bakas ang maga sa mata dulot ng pagtama ng kung ano. "Makakabitan ka ba ng dextrose kung galos lang 'yan, Marisa? Mahihiga ka ba sa kamang 'to

