Nakatitig lang ako habang si Marisa ay nakatulala sa kawalan. Kanina ay sinubukan ko siyang kausapin, sumasagot naman at nagagawa pang magbiro pero nang sinabihan kong hindi niya kailangan magpanggap ay natahimik siya. Ayoko sana munang sabihin sa kanya ang nangyari sa kinakasama niya, pero pinalabas sa balita at nagkataong nanunuod siya sa TV sa pribadong hospital room na pinaglipatan niya. Makakasuhan ang lalaki at masasailalim pa sa trial, sa ngayon ay hinihintay pa na makalabas si Marisa sa hospital. Nagpapagaling din ang lalaki dahil nabaril siya ng pulis. "May gusto ka bang kainin?" "Fried chicken?" mabilis niyang sagot. Napangiti ako. Hindi talaga mawawala ang Marisa na nakilala ko, sana lang ay magpatuloy ang paghilom niya. Emotionally and physically. "Sige, sabihan ko si Le

