Kalaunan ay gumaan na ang pakiramdam ko, natuto na 'kong magsabi ng mga pangangailangan ko nang walang pangamba. Naibabahagi ko na ang mga problema sa paraang hindi nandadamay pero naghahangad ng pag-intindi at tulong. "Sinasabi ko na nga ba! Ayan 'yung kabit niya na binalita dati, akala mo kung sinong yayamanin, nanghuhuthot lang naman at feeling sikat!" iritadong sabi ni Marisa. Napatayo pa siya dahil sa balita. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa balita. Pinanuod ko ang footage na naging daan para mahuli ang kriminal. Nanunuod kami ng TV, at kasalukuyang binabalita na nahuli na ang Congressman, itinago lang pala siya ng dating sikat na aktres niyang kinakasama, na noon ay naibalita na rin na kabit niya. Nagkataon pala na may nakabanggaan siyang sasakyan na tinakasan

