Ang daming balita ang pumutok sa publiko. Ang pagtakas ng Congressman dahil malapit na siyang hatulan ng guilty, ang pagtangka sa buhay ko, ang maliit na sunog sa building ko---isang designer, at ang relasyon namin ni Haze nang siya ang maabutan ng mga reporters sa pinangyarihan. Sa kabila non, hindi napagdugtong ng mga tao ang kaugnayan ko sa nasabing politiko, at nanatiling tahimik ang kampo namin tungkol sa totoong motibo nila, base na rin sa naging desisyon ko. Pinalabas naming mayroong naiinggit sa naging usbong ng business ko, isang rason na madaling tuldukan. Hindi ko na kakayanin pang lumaki ito mula sa kinalalagyan ngayon, wala akong ideya kung gaano sila kalaki, karami, o kalakas. Natatakot ako para kay Haze, sa kapatid ko, kay Junmar, at sa iba pang inosenteng pwedeng madam

