Sobrang bilis ng t***k ng puso ko, taranta kong tinupi ang laptop at hinablot ang cellphone, agad ko pang pinulot ang remote at nagmamadaling pinatay ang aircon. Mabilis pero may matinding pag-iingat ang ginawa kong takbo, lumabas ako ng office at tumakbo papuntang ikatlong palapag. Hindi ko na nagawang silipin ang baba dahil sa takot, umaasa akong nasa maayos na kalagayan si Manong guard, kahit malaki ang posibilidad na injured na siya. Pinagpapawisan at hinihingal nang mabuksan ko ang pinto ng maliit na wardrobe. Sa isang sulok, kung saan may kumpol na mga tela at hindi pa tapos na gown ay nagtago ako. Hindi ko pa maintindihan ang nangyayari, pero sobrang kilabot ang naramdaman ko nang may marinig akong nagsalit. "Sigurado ka bang nandito si Selene Herrera? Lagot tayo kapag walang

