Hindi ako makalunok nang maayos habang kumakain kami, hindi sa hindi masarap ang pagkain. Sobrang masarap at parang professional chef pa yata ang tagaluto nila. Ang problema, masyado akong intimidated sa lolo ni Haze. "What's your plan? You only visit me during special occasions saying you're busy with work. Are you slacking now? Tell me what happened." Biglang sumeryoso ang aura ng lolo niya. Parang ako ang kinakabahan sa tanong. Si Haze naman ang kausap kaya siyempre tahimik lang ako. "Pa, I know you already heard about it," sagot ni Haze at nagpatuloy sa pagkain sa tabi ko. Parang hindi siya bothered sa tono ng lolo niya, sabagay, sanay na siya rito. Parang ako sa kanya. Napansin ko ring papa ang tawag niya sa lolo niya, ito nga siguro ang nagpalaki sa kanya most of his life. Bumal

