Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising na lang ako na nasa sasakyan. Agad akong nakaramandam ng matinding kaba, wala akong maalala na sumakay ako sa sasakyan. Nawala ang kaba ko nang makita kung sino ang nagmamaneho. "Hey, it's okay. We're on our way to your house. Just rest," malumanay na sabi ni sir Haze. Inabot niya ang kamay ko at habang ang tingin ay nasa daan, binigyan niya iyon ng mumunting halik. Huminga ako nang malalim. Kinikilig na naman ako sa simpleng galaw niya. Napansin ko ang kumot na nakapatong sa'kin, ang ngalay ng katawan ko pati paa, at ang hapdi sa pagitan ng mga hita ko. Napakagat ako ng labi. Nangyari nga iyon, ibinigay ko nga ang sarili ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Itinuon ko ang atensyon sa labas ng bintana, pinapanuod ang mga poste at sasakyan n

