Nanunubig ang mga mata ko nang iharap niya ako sa kanya. Nararamdaman ko na kase ang sakit mula sa higpit ng hawak ng lalaki kanina, nahihiya ako kay sir Haze at inaalala ang sinabi ni Ate Angel kanina. Pabayaan na lang. Wala kaming laban. Hindi ko inaasahan na ganito kahirap ang ganitong trabaho. Ang nasa isip ko kase ay parang pagbebenta lang sa palengke, mag-aalok, minsan walang bibili pero ayos lang. "What are you doing in a place like this, Selene?" Bakas ang galit sa mukha niya. Para akong bata na nahuling lumabas ng hapon kahit pinagbawalan. "S-Sir Haze---" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko, bakit ba ako umiiyak? Pinasadahan niya ako ng tingin mula paa. "And look how short you're wearing---" Naging malambot ang ekspresyon ng mukha niya

