"P-Po?" Para akong nabingi sa sinabi ng lalaki. Hindi agad na-proseso ng utak ko iyon. Pero hindi ako bobo at nabalaan na rin ako ni Stella patungkol dito, maraming maaaring mag-alok. Kahit pa halata naman na hindi puri ang binebenta ko. "How much for your night, Miss? You're just exactly my type." Inulit pa ng walang-hiya kasabay ng paglibot ng mata niya sa katawan ko na para na akong hinububaran. Alam kong nasasayang na ang oras ko sa kanya, may anim na pakete pa ako, kaya kahit gusto ko man barahin ang mayabang na mayaman na ito ay pinili ko na lang magpaka-bait. "I think you're mistaken, Sir. I'm only selling cigarettes, and I'm not for sale." Pilit kong in-english ang lalaki. Maging ito ay pinag-practisan ko. Hindi maaaring habang buhay akong mang-mang. Nakita ko na hindi niya

