Alas dies na ng gabi at nakahiga na kami. Hindi ako mapakali. Ngayon kase ang araw na sinabi ni Ate Temarie, ang raket na inalok niya sa'kin. Nakapag-desisyon na ako noong isang araw pa lang. Pero ngayon na mismong gabi na ay parang gusto ko nang umatras. Tahimik akong bumuntong hininga at nilingon si Mama at Junmar na malalim na ang tulog. Pumikit ako nang mariin at taimtim na nagdasal. Panginoon, bigyan niyo po ako ng senyales na tama ang desisyon ko. Hindi po ako nag-paalam, pero wala naman po akong gagawing masama. Nais ko lang tumulong kay Mama. Isa lang pong sensyale--- Biglang tumahol ang asong gala nang tatlong beses. Napakagat ako ng labi, ito na ba iyon? Ilang segundo pa ako nag-isip. Bahala na! Tumayo ako at dahan-dahang isinukbit ang bag na may laman na pamalit ng damit

