Hapon nang makarating kami, walang masyadong tao at hindi na gaano mainit dahil natatakpan ng malalaking puno sa paligid ang malawak na espasyo. "A-Ate," si Junmar. Nakasunod siya sa'kin, hindi pa man nakakalapit ay naluluha na. "Malapit na tayo, Junmar," sabi ko at lumapit na kami sa puntod ni Mama. Huminga ako nang malalim at pinakiramdaman ang simoy ng hangin. Payapa. Tahimik. Marahil dahil ay pribado, magkakalayo ang mga puntod, may sapat na espasyo para umupo sa paligid na damuhan. Nakakalungkot na naranasan ni Mama magkaroon ng lugar, na matatawag niyang sarili kung kailan wala na siya. Ang katahimikang hindi niya nakamtam hanggang sa humantong siya sa kamatayan. "M-Mama." Humangulngol agad si Junmar, habang ako ay tahimik lang na lumuluha. Hindi ko siya masisisi, masyado pa

