"Anong ginagawa mo rito, Ingrid?" Hinarap ko siya. Her arms are crossed on her chest, mataas ang kilay, ang tingin sa'kin ay mula ulo hanggang paa. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako natatakot sa kanya, she's a threat because I know what she's capable of doing. Mga bagay na hindi ko kayang gawin, ang manakit at apakan ang pagkatao ng iba. "So this is your house, huh? Not bad for someone who used to live in that dirty, reeking place." Nilibot niya ang tingin sa bahay ko. Tinaasan ko siya ng kilay, ang suot niyang pulang bestida na katerno ng labi niyang pula rin, ay hindi matatakpan ang ugali niyang marumi. "Wala akong panahon para makipag-away sa'yo." Tinalikuran ko siya at papasok na sana pero hindi pa rin siya tumigil. "Selene!" irita niyang tawag. "Listen to me!

