"Marisa, pwede bang magtigil ka sa isang tabi? Ang ligalig mo masyado," saway ko. Inaayusan ako ng make-up artist, nauna na siyang ayusan dahil may kinailangan pa akong tapusin kanina, pero ngayon ay para siyang kiti-kiti at hindi mapakali. "Minsan lang ako magmaganda, respeto na lang!" maarte niyang sabi at sumayaw-sayaw pa, ginagaya ang napapanuod niya online na inuusli pa ang puwetan. Umikot ang mata ko sa sinabi niya. Ngayon ang kasal ni Sixto, at gaya ng request niya ay isasama ko siya. Pwede namang magsama ng isa at wala naman akong ibang nakikitang pwede kong isama. I also don't want to go alone knowing I'll see him there, kung mayroon nga lang akong iba pang kaibigang lalaki na pwedeng isama. It might seem petty but I'm sure Haze won't bother me if he sees I'm with somebody,

