Kabanata XXIII

1595 Words

Nagsimula ang wedding ceremony, from processional and introduction to readings of the word ay nakatitig lang ako sa ikakasal. Hindi na ako naglalakas loob lumingon dahil ramdam ko ang titig niya. Matalim. Mas nakapagtataka na hindi pa ako sinusugod ni Ingrid, gayong kanina pa nakatingin sa'kin ang asawa niya. "May tututol ba sa kasalang ito? Wala, dahil hindi naman papayagan ng groom na may makapasok na hahadlang." Nagawa pang magbiro ng pastor, bata-bata pa siya at mukhang kakilala nila Sixto. Bahagya pang hinampas ng bride ang groom at naghagikgikan ang lahat. "Sana all," bulong ni Marisa sa tabi ko. Tuloy ang readings patungkol sa pag-ibig, hanggang sa commitment at hardships na maaaring pagdaanan ng mag-asawa. Naluha pa ang dalawa maging ang mga kamag-anak nila at ibang bisita.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD