Natulala na lang ako nang dalhin niya ako sa isang suite, matapos mahimasmasan ay nagulat ako sa inasta kanina. Naalala kong nasa isang resort nga pala kami, at nang sabihin kong umuwi na lang kami ay malamang ang iisipin ng lalaki ay umalis sa venue ng kasal. Hindi naman siya nagtanong kung saan ako uuwi at imposible namang ihahatid niya ako, at ako rin naman itong tangang sumama lang na wala sa sarili. Nataranta ako nang paglibot ko ng paningin ay wala siya. Si...Levi kung hindi ako nagkakamali ng dinig. Hindi sa kailangan ko ng kasama, iniisip ko ang ibabayad sa malaking suite na ito! Nipa hut pa nga lang ay libo-libo na ang presyo, ang magarang kwarto pa kaya? Napasabunot pa ako sa buhok nang maalalang kasama ko nga palang dumalo si Marisa, malamang ay kinakabahan na 'yon ngayon a

