Kabanata XIII

1519 Words

"Ate! kamusta na po si Mama Ate? Magaling na ba siya? Uuwi na ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Junmar nang salubungin niya ako, puno ng pag-asa ang bata niyang mukha, ang mga mata ay nangungusap at bakas na rin ang pagod. Naaawa na agad ako sa kapatid ko, alam ko na ang mararamdaman niya sa ibabalita ko. Gustuhin ko mang isagot na ayos lang ang lahat, na uuwi na si Mama dahil wala naman nang dapat ipag-alala, ay hindi ko magawa. Hirap akong banggitin ang kasinungalingang ito. Lumapit ako at niyakap siya. "Hindi pa Junmar, nagpapagaling pa si Mama." Inalo ko ang likod niya. Agad na lumukot ang mukha niya at humikbi, bakas sa mukha niya na pilit niyang pinipigilan ang pag-iyak. Gusto niya rin maging matatag para sa'min, sabi niya gusto niyang maging kagaya ko, matapang at hindi sumus

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD