"Madam, pasensya na talaga. Hindi ko alam na may kapatid ka," paumanhin ng guard na pang morning shift, napakamot pa siya sa batok. Siya ang tumaboy kay Junmar noong nagtangka ang kapatid kong puntahan ako sa building. "Ayos lang manong, naintindihan ko naman, kasama naman 'yon sa protocol na 'wag basta magpapasok. Basta po sa susunod alam mo na ah," nakangiting sabi ko. Katabi ko si Junmar na masama pa rin ang tingin sa guwardiya, marahan ko siyang pinalo at sinabing tigilan na 'yon. Agad naman umamo. "Ate, dito ba tayo hanggang gabi?" tanong niya habang umaakyat kami sa hagdan. Umiling ako. "Dadaan lang tayo, ipapakilala kita sa mga empleyado tapos pupunta na tayo sa hospital para samahan si Marisa." Tumango siya at parang napaisip. "Bakit mo naman natanong?" tanong ko at ginulo an

