Dinala kami ng administrator sa isang office, nanghihingi sila ng pagkakakilanlan ng kapatid ko na nagpapatunay na magkamag-anak kami, hindi ako handa dahil biglaan lang akong dinala rito. Pero hindi na ako nagulat nang may iabot si Haze na envelope sa staff. "May records ka ng kapatid ko?" baling ko sa kanya. He was silent. There was hesitation in his eyes like he knew what he did was invasion of privacy. Hindi naman ako magagalit na nangingielam siya sa pamilya ko, o sa ideyang inungkat niya ang records namin dahil nakatulong pa nga 'yon. "I just wanted to help---" "Thank you." Binalik ko ang tingin sa babae. Matapos i-scan ang records ay may ilan pa siyang katanungan. Mula sa pagka-wala ni Junmar hanggang sa pagka-hanap. They're making sure I didn't abandon him in the first place.

