Paglalahad ng Manunulat “Mukhang nandito na tayo!” gulat na wika ni Icer Hans sa mga kasama niya nang makita niyang nag-linawag ng asul ang maliit na ilaw na hawak niya na galing sa mga Illdeers. Huminto sila sa isang lugar na napaka-payapa. Tila isa lamang itong normal na lugar sa mundo ng mga normal na tao. Maliwanag dito at napakatahimik ng paligid. Mapapansin ng mga mamagandang nilalang na nadirito. Sa gilid ay may katubigan kung nasaan mayroong mga sirena. Ang sarap pagmasdan ng mga tanawing ito. Ang mga bulaklak na iba’t iba ang kulay at wangis. Ang mga halimukay na dulot ng mga ito na ang sarap sa pakiramdam. Nilibot libot nila ang kanilang paningin sa napakagandang lugar ngunit sobrang tahimik at wala silang naririnig na kahit anong ingay. Ngayon lang sila nakakita ng ganitong

