Lemonsquare “A-ano, po…ang ibig niyong sabihin?” nauutal na tanong ko sa diyosang nasa harapan ko ngayon. Walang katulad ang kanyang kagandahan. Kahit nakatiting na bagay ay wala kang maipipintas sa kanya. Humahalimuyak ang sobrang bango niyang amoy. Batid ko na ang mga kasama ko ay lubos din ang pagkagulat sa ginawang pagyapos sa akin ng mahal na Diyosa. “Ako ang iyong tunay na ina,” nakangiting wika nito sa akin. Anong pinagsasabi nito na tunay ko raw siyang ina? Nakatagay ba siya? Mayroon bang beer dito at mukhang napa-sobra ang pag-inom niya. Totoo ba ang sinasabi ng mahal na Diyosa? Ngunit, paano!? Hindi ako maka-sagot, Nakatulala lang akong nakatayo rito, at ganoon din ang mga kasama ko. Ito na kaya ang nais na ipahiwatig ng isang Illdeers sa akin sa bulawagan ng Palasyo na h

