Paglalahad ng Manunulat Huminto ang mga manlalakbay sa isang napaka-laking palasyo. Marami ang nag-aabang sa kanila ngunit madalim ang paligid. Kapuwa malalapad ang ngiti ng mga iba't-ibang nilalang. Bakas sa mga ngiti nila ang pag-asa na muling masilayan ang liwanag at matanaw ang wangis ng prinsipe na matagal nilang ninanais na makita. Umalis sina Spiderflow at Poohfly mula sa pagkakasakay kay Spermphies nang mapagtanto nila na naririto na sila sa Palasyo at nang makita ang napakaraming nilalang ang nag-aabang. Iba't-iba ang uri ng mga nilalang na ito; May mga duwendeng mayroong walong pakpak… May mga tao na ang ulo ay ibon… May mga higante na napakapapayat ng mga binti ngunit nakapa'guguwapo at magaganda ang mukha… May mga kumikislap na namalilit na nilalang na mukhang mga palaka

