Paglalahad ng Manunulat Kinabukasan ay maagang nagtungo sina Icer Hans at Spermphies sa dulong parte ng kanilang kaharian upang kumuha roon ng purple na tubig na tinatawag na Howleywhateers. Kasalukuyan silang nasa himpapawid. Samantala, naiwan naman sa kaharian sila Spiderflow upang bantayan ang kanilang Mamelya. Ipinagdarasal nila na sana ay mabilis na makabalik ang kanilang Dadelya upang sa gayon ay maibalik muli ang diwa ng kanilang Mamelya. “Ipinapatawag po kayo ng mahal ng reyna Glidea,” saad ng isang babaeng alipin kila Spiderflow. “Ano pong gagawin namin?” usisa ni Yellowbalaelae. Hindi nila tiyak kung umaga na ba o gabi pa rin dahil sa madilim ang paligid. “Pinapatawag po kayo upang kumain ng almusal,” nakangiting paliwanag ng a

