Square 10: Fiestas Sitaws

1600 Words
Palalahad ng Manunulat             Habang nagkakasiyahan sina Icer Hans ay may higanteng sitaw ang bigla na lamang lumabas sa kanilang harapan. Nagulat ang mga ito at biglang napahinto sa ginta ng kagubatan. Ang nilalang na lumitaw ay hindi pangkaraniwang sitaw dahil may mga ngipin itong kasing tulis at haba ng isang espada. Mayroon din itong limang nansisilik at nakaluwang mga mata na nakatitig sa kanila.             “Hindi ko kayo hahayaan na na makarating sa dalawang hugis susong bundok, dahil dito pa lang kayo ay pipigilan ko na,” sigaw ng nilalang sa kanila. Nakatingin silang tatlo sa bawat mukha sa isa’t isa na may pagtatanong ukol sa kanilang nararapat na gawing aksyon.             “Sino ka? At paano mo nabatid na doon kami tutungo?” matapang na tanong ni Icer Hans sa nilalang na nasa harapan nila.             “Ako si Fiestas Sitaws, ang tagabantay ng ikalawang kagubatan! Kabilang ito at ang tatlo pang kagubatan na inyong madaraanan ay mayroong kanya kanyang taga-bantay kung kaya’t wala pang normal na nilalang ang nakarating ng buhay sa dalawang susong bundok na ninanais niyong marating, mga hipokrita!” nanggigigil na saad nito. Hindi batid ni Icer Hans na may ganito pa silang kahaharapin bago siya muling makabalik sa kanilang kaharian. Walang anu-ano ay nagpakawala ng mga butil ng butong kulay berde ang nilalang na may-katawagan na Fiestas Sitaws. Good for the three, dahil agad ding nakaiwas ang mga ito. Binuhat muli ni Icer Hans si Lemonsquare upang mailayo ito sa mga berdeng butil ng lason ayon kay Spiderflow. Ang tatamaan ng lason na ito ay malulusaw ang kanilang balat at unti-unti silang manunuyot hanggang sa sila ay bawian na ng buhay.             “Ang wild naman ng isang ito! Attack kaagad gurl!?”  inis na sigaw ni Lemonsqaure sa nilalang.             “Hindi uso sa akin ang mga signs para umpisahan ang laban. Pupuksain ko na agad kayo sa lalong madaling panahon!” sigaw ni Fiestas Sitaws.  Sa pangalawang pagkakataon ay naghasik muli ito ng kapangyarihan na higit na kakaiba mula sa una niyang pinakawalan. Mga baging na matutulis ngunit hindi ito ulit tumama sa direksyon nila Lemonsquare dahil mabilis iyong hinarang ni Spiderflow. Siya ay naging isang malaki at makulay na kalasag. Bumaling ito sa kalaban at nagsalita…             “Tayo ang magtuos at huwag na huwag mo silang idadamay na kasamaan ng ugali mo! Kapangyarihan laban sa kapangyarihan! Iyan ang nais mo hindi ba?” Matapos bigkasin ni Spiderflow ang mga salitang ito ay unti-unting lumaki ang mga galamay niya. She’s transforming into a big and magical version of herself. After this, ngayon ay kasing laki na siya ni Fiestas Sitaws. Mababatid mo na tunay ngang may-kakaibang kapangyarihan ang dalawa dahil sa kakaibang aura na bumabalot sa kanila. “Magtago muna kayo Mamelya at Dadelya at iligtas niyo ang mga sarili niyo. Ibigay niyo na sa akin ang pagkakataon na puksain ang tuyot na higanteng halimaw na sitaw na ‘to!” Baling naman niya sa dalawa niyang kasama. Ginawa nina Lemonsquare at Icer Hans ang pinag-uutos ni Spiderflow at humanap ang mga ito ng ligtas na lugar na maaari nilang pagtaguan. Buo ang kumpiyansa ni Icer Hans na kayang tapatan ni Spiderflow ang lakas ng kanyang kalaban kung kaya’t hinayaan niya na ito na lumabang mag-isa.             “Sinong baliw ang nagsabing kaya mong tapatan ang lakas ko? Walang laban ang kapangyarihan mo padating sa akin! Wahahah!!” ni Fiestas Sitaws. Mayari ay pinaluputan ng kanyang mga galamay ang katawan ni Spiderflow. Naging dahilan ito upang hindi makagalaw si Spiderflow. Pero hindi agad siya magpapatalo. Nilabanan niya ang galamay na nakapalupot sa katawan niya at nag-init ng husto ang kanyang mga galamay kung kaya’t napilitan si Fiestas Sitaws na bitiwan ang pagkakapalupot mula dito.             “Anong walang laban diyan ang hinihimutok ng lalamunan mo?” sigaw ni Spiderflow sa kalaban. Matulin itong tumungo sa direksyon ni Fiestas Sitaws at pinaluputan ito ng mga makaka-kapal na kulay berde at asul na sapot. Ngunit hindi talaga magpapatalo si Fiestas Sitaws dahil sa may lumabas na mga tinik sa kanyang katawan at nasira ang mga ginawang sapot ni Spiderflow. Lemonsquare             Ang mga mata ko ay unti-unti nang nabibinyagan ng wangis ng mga hindi normal na nilalang. Akala ko ay simpleng happy-happy trip lang ang magaganap ngunit may mga ganito pa lang eksena na kailangan naming lagpasan. Natatakot man, ngunit ramdam ko ang kaligtasan dahil katabi ko ang lalaking handa akong protektahan mula sa kahit anong unos na handang tumama sa akin. Charot! Feeling ko lang iyon.             Malinaw ang imahe ng dalawang kakaibang nilalang na nagtatagisan ng kakayahan mula dito sa aming nilalagyan. Randam ko na handa silang tapusin ang isa’t isa anong oras man. Ngunit hindi iyon magiging madali para sa kanila dahil kapuwa sila may magkakaibang lakas. Batid ako na diskarte lang ang kanilang magiging pinakamalakas na sandata upang magapi ang isa’t isa.             Nais kong tulungan ang Juenaks ko ngunit wala naman akong kapangyarihan para gawin iyon. Kung mayroon lang talaga akong powers kagaya ni Darnae: Ang Baklang Darna ay ako na mismo ang tatapos sa kanya. Hihiwain ko ng todo-todo ang katawan ni Fiestaws Sitaws at gagawin ko siyang adobong sitaw na may mai-ulam kami ni Tita Viscit. Impakta siya! Nakakalakas ng regla kahit wala akong kipayla!             “Huwag kang mag-alala kay Spiderflow. Ramdam ko na kaya niyang puksain ang kalaban.,” wika sa akin ng lalaking katabi kong nagtatago dito. Ngumiti ako sa kanya at muli ay ibinaling ulit ang atensyon sa dalawang naglalaban.             Tinusok ni Spiderflow ang gitnang mata ni Fiestas Sitaws gamit ang kaniyang galamay. Napahiyaw ng todo ang kalaban sa pag-atake niya gayunpaman, hindi ito magpapatalo nalang ng ganoon kabilis kung kaya’t lumabas ang mga matatalim nitong ngipin at kingat ang galamay ni Spiderflow na kasalukuyan namang nakbaon sa kaniyang gitnang mata. Nag-uusap sila ngunit hindi ko marinig kung ano sa kanilang pinag-uusapan.             “Naririnig mo ba ang pinag-uusapan ng dalawa?” tanong ko sa lalaking nasa gilid ko. Sinabi niya sa akin noon hindi ba na malakas daw ang pandinig niya at napatunayan ko naman iyon dahil nga narinig niya iyong sinabi ko noong pinuri ko siya.             “Pinag-uusapan nila ang kagandahan mo,” sagot nito sa akin. Lutang na naman itong si Icer Hans. Jusko mga dai.             “Trip mo na naman ako niyan?” nakabusangot kong wika.             “Maganda ka talaga at hindi biro iyon,” saad niya habang pinagmamasdan ang mukha ko.             “Shet ka, Icer Hans. Bahala ka diyan, hindi na ulit kita tatanungin sa susunod.”             “Mahilig naman talagang magtampo ang prinsesa ko. Halika ka nga dito.” Pinatong niya ang bisig niya sa akin at inakbayan ako. “Ayan para mas maramdaman mong ligtas ka,” bulong nito sa akin.             “Oh, bakit biglang namula iyang dalawang pisngi mo? Tinatangi mo rin ba ako?” pang-aasar nito sa akin. Hala, namula ba ang pisngi ko? Hindi ko ramdam! Siya naman kasi ang may dahilan no’n pinapakilig niya ako.             “Natural ng mapula ‘yan. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano. Bakit naman ako kikiligin sa ‘yo? Fresh k aba?” depensa ko.             “Naku, parang hindi naman ata iyan ganiyan dati e,” katwiran nito. “Kinikilig ka talaga.”             “Bahala ka nga ulit kung ano ang gusto mong isipin!” pagsuko ko. Kitang may labanan na ngang nagaganap dito. Nakuha niya pang-asarin ako? Juskong mga lalaki na ito no! Wait, speaking of lalaki? Hihanap kaya ako ni Mobie? Gosh, hindi manlang ako nakapag-paalam sa kanya. Pati na rin kay BFF Matet, pero sure akong keri lang sila. Paglalahad ng Manunulat             Patuloy na nagtatagisan ng lakas sina Spiderflow at Fiestas Sitaws. Mapapansin na mas nangingibabaw ang lakas at diskarte ni Spiderflow laban sa katunggali. Kapuwa may mga galos na silang natamo at marami na ding nabawas na lakas sa kanila dahil ilang minuto na din sila na walang tigil sa labanan.             “Ito ang nababagay sa iyo!” sigaw ni Spiderflow sa kalaban. Muli ay tinusok nito ang dalawang mata ni Fiestas Sitaws. Dalawang mata na lamang ang natitira upang tuluyan niyang mapuksa ang kalaban. Kinakailangan kasi na maubos at masira ang limang mata nito upang maubos ang lakas nito at tuluyan nang maglaho.             “Tumgil ka!” mabilisang hinampas ni Fiestas Sitaws si Spiderflow gamit ang malakas na puwersa at tumalsik ito sa hindi kalayuan.             “Omg…laban, Juenaks!” ani ni Lemonsqaure sa kanyang isipan nang makita ang pagtalsik ni Spiderflow at bilang suporta na din dito na siyang lumalaban sa halinaw na si Fiestas Sitaws upang maipagtangol sila at manaliting ligtas hanggang sa sila ay makabalik muli sa Kaharian ng Leatel Wan Baebi Leatel Tuh.             Agad ding nakabalik si Spiderflow at…             “Tapusin na natin ito!” sigaw nito kay Fiestas Sitaws. Nagliwanag ang kanyang mga mata at tumama ito sa dalawang natitirang mata ni Fiestas Sitaws. Malakas ang kapangyarihan na iyon kung kaya’t nagawa nitong mapuksa sa mabilis na paraan ang halimaw na humarang sa kanilang daraanan. Lemonsquare             Yey! Ayan tapos na ang itchuserang sitaw na ‘yon. In all fairness dito kay Spiderflow, super powerful pala niya. Lumabas kami mula sa aming pinagtataguan nang makita naming  naglaho na si Fiestas Sitaws. Akala niya siguro ay magpapatalo nalang kami ng gano’n gano’n!? Hayop siya! Hindi no! Never! Ayan ang nababagay sa kaniya, ang mategi!             Ipinagpatuloy na namin ang paglalakad hanggang sa napag-desisyunan ng bawat isa na humanap muna ng batis upang maghugas ng katawan at maka-inom na din upang mapawi ang aming pagka-uhaw. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD