Square 9: Ang Apat na Diyosa

1647 Words
Paglalahad ng Manunulat                Maagang nagising si Lemonsquare at Icer Hans mula sa kanilang pagpapahinga at nagpaalam silang dalawa sa matandang mag-asawa na lilisan na upang umpisahan muli ang kanilang paglalakbay. Lubos talaga ang kabutihan na mayroon ang dalawang tao na ito. Bokal sa kalooban ang pagpapasalamat nila Lemonsquare dahil nararapat lamang itong matanggap ng mag-asawang matanda na sa kaunting oras ay itinuring ni Lemonsqaure na para niyang mga magulang. Magulang na parating handang ibigay ang pangangailangan ng kanyang anak.             Batid naman ng lahat na lumaking hindi nakikila ni Lemonsquare ang tunay niyang mga magulang. Wala siyang sama ng loob sa mga ito bagkus ay nagpapasalamat sa siya dahil nagkaroon siya ng pag-asa na makita kung gaano ka-ganda ang mundo. Naisip niya na, tunay nga ang sinasabi ng nakararami na, ang buhay ay natural na mabuti at tayo lamang ang gumagawa ng mga bagay na maaaring ikasama nito.             “Ang payapa sa balat ng simoy ng hagin,” ani Spiderflow habang dinarama ang malinis na simoy ng hangin. Natawid na nila ang ika-unang gubat at apat na lamang ang kanilang pagdaraanan upang makita ang tutok ng dalawang hugis susong bundok.             Inabutan ni Lemonsquare ng isang mansanas si Icer Hans upang magkalaman ang sikmura nito. Ngumiti ang lalaki at nagpasalamat sa biyaya ng bakla. Kasalukuyan niyang pinagmamasdan ang paligid ng kagubatan. Kapansin-pansin na maraming tanim na gulay ang ikalawang gubat na ito kumpara sa unang gubat na puro ordinaryong d**o lamang ang iyong makikita.             “Ay wala bang prutas para sa akin Mamelya?” pagtatampo ni Spiderflow kay Lemonsquare. Matapos ay lumuha ito ng mga kulay pilak na tubig. Napansin iyon ni Lemonsquare at sobrang namangha siya sa kanyang nakita. Hindi na bago para kay Icer Hans ang mga ganitong bagay kaya wala siyang naging reaksyon sa eksena ni Spiderflow.             “Bakit mo naman pina-luha ang Sunsung natin? Ayan tuloy ay gumawa ito ng kulay pilak na luha,” saad ni Icer Hans kay Lemonsquare. Madali ay dumukot si Lemonsquare ng mansanas upang ibigay sa sensitive niyang Juenaks.             “Oh, ayan ang para sa iyo, Juenaks. ‘Wag nang magtampo kay Mamelya ha! Pretty ka naman e,” palubag ni Lemonsquare sa tampurista niyang anak. Inabutan niya ito ng isang piraso ng mansanas at biglang kumislap ang mga mata ni Spiderflow sa tuwa. Isang makulay na liwanag ang bumalot sa kanya. Nakamamangha iyon. Ganito ang nangyayari sa nilalang na ito tuwing ang hiling niya ay naisasakatuparan.             Sa kabilang banda, isang panganib ang hindi inaasahang kakaharapin ng tatlo sa kanilang paglalakbay. Isang nilalang ang nag-aabang na puksain sila at dahil sa kakaibang lakas na taglay nito ay hindi ito nakikita ni Spiderflow sa kaniyang pangitain. *Athenese* Sa mundo ng mga mabubuting Diyos             Puno ng mga kumikinang at naggagandang palamuti ang paligid ng bahal na kaharian. Dito na ninirahan ang mga Diyos na sinasamba ng mga Pandateaias. Sa dulong parte ng kaharian ay ang Hardin na kinalalagyan ng pinakamataas na Diyos na si Diyosa, Lamura.             Mapapansin na ang bawat isa ay may kanya kanyang kulay ng kasuotan na naaayon sa kanilang kakayahan at pinamamahalaan. Apat ang Diyosa na naririto ngayon at kulang sila ng isa.             Ang Diyosang naka-asul ay ang Diyosa ng Tubig, Hangin, Kabutihan at Kapayapaan. Siya ang bumabalanse sa lahat ng anyong tubig sa mundo. Siya ang responsable sa malinis na simoy ng hangin. Ang nagbibigay ng katubihan sa mga puso ng kanilang taga-samba. Layunin din nito ang panatilihin ang kapayapaan sa kalupaan. Siya ay nag-ngangalang Azuliah, ang bunso sa limang magkakapatid na Diyosa.             Ang Diyosang naka-lila ay ang Diyosa ng kidlat, kamatayan at kaluluwa. Siya ang naghahatid ng mga taong sumakabilang buhay na sa kanilang susunod na hantungan. Batid niya kung kailan papanaw ang isang tao at kung ano ang dahilan nito. Siya ay tinatawag na Diyosa Violetsky at ang pangalawa sa limang magkakapatid.             Ang Diyosa namang naka-dilaw ay ang Diyosa ng karungan at kapalaran. Siya ang nagbibigay ng karunungan sa kalupaan at naglalaan ng kapalaran ng bawat isa. Layunin niya na ang mga ito ay maging masaya sa kanilang pang-araw araw na buhay. Siya ay may katawagan na, Dilawisdom at ang gitna sa limang magkakapatid.             Samantala, ang Diyosa namang naka-pilak ay Diyosa ng Apoy, Lupa at kasaganahan. Siya ang may resposibidad na panatiliin ang balanse ng mga ani at ng tamang klima ng panahon. Siya si, Silverswein ang pang-apat sa limang mgakakapatid.             Ang kapangyarihan ng bawat Diyosa ay hindi tumatalab sa isa’t isa. Ang resposibilidad ng isa ay hindi dapat paki-alaman ng kahit sinong Diyosa. Mabait man o mabuti ngunit maaari silang gumawa ng aksyon na sa tingin nila ay ikabubuti ng lahat.             “Kailan kaya muling babalik dito sa kaharian ang ating Cygracia?” tanong ni Diyosa Azuliah sa kanyang mga nakatatandang kapatid. Cygracia ang katawagan sa panganay na kapatid ng mga Diyosa.             “Kailangan niya ng sapat na panahon upang maghilom muli ang matinding galos sa kanyang puso at batid nating lahat na ang panahon lamang ang makaka-gawa sa kanya nito,” wika naman ni Diyosa Silverswein sa kanyang kapatid.             “Darating din ang takdang panahon at babawiin din niya ang sumpa sa Pandateaias.” Siya namang wika ni Violetsky. Lemonsquare             “Wait lang, super pagod na kaya ako no. Ang haba haba na ng nalakad natin,” paki-usap ko sa dalawang kasama ko. It just seems na wala siyang kapaguran. Halos limang oras na kaming naglalakad sa guba na ites. Feeling ko ay susuko na talaga ang mga buto ko sa gingawa kong ito. Ngayon lang ata ako magsisisi kung bakit sumama pa ako sa kanya.  Tila hindi ako napapansin ng dalawang kasama dahil patuloy lamang sila sa paglalakad.             “Hoy, pansinin nyo naman ako, please! Kailangan ko ng atensyon ngayon e! Huhu!” drama ko sa dalawang bingi na kasama ko. Hindi manlang ako lingunin mga buset sila! Pagkatapos ko silang pakainin ng mga matatamis kong mansanas e hindi na nila ako bibigyan ng atensyon? Mga manga-gamit! Charot.             “Heeee…ay!” hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil mabilis ay binuhat ako ni Icer Hans.             “Ayan para matigil na ‘yang bibig mo kaka-reklamo. Nakaka-rindi din kasi sa pandinig minsan e,” usal nito sa akin habang nakatingin sa daan. Omg, he made my hormones be shaken again. Hindi na nga ako ta-tanggi this time sa pagbuhat niya sa akin. Hindi dahil sa gusto ko talagang magpabuhat sa kanya kung hindi dahil super ngawit na talaga ang mga joints ko mga sister. Try niyo din minsang maglakad ng limang oras, iyong straight na walang pahinga ha! Tignan ko kung ano mangyari sa inyo. Charot. Don’t try it na kasi mahirap, promise as saying based on experience, ganon!             “Salamat,” nahihiyang ani ko. Hindi na ito sumagot sa akin at nakatutok lang ang kanyang atensyon sa daan. “Maaari mo na din akong ibaba pamaya-maya kapag energetic na ulit ako,” bilin ko. Ayoko namang magpa’carry sa kanya all throughout the journey. I have to be resilient din no. Ganda yarn?             “Mamelya, kung ako sa iyo ay ‘wag ka nang magpa-bebe diyan. Alam mo naman deep inside na super haba pa ng lalakarin natin kaya kailangan mo ng sapat na lakas no. At kung maglalakad ka lang ng sarili mo at hindi magpapabuhad ay malamang sa malamang baka wala ka nang buhay hindi pa man tayo nakakarating sa ikalimang bundok,” mahabang pangaral sa akin ni Spiderflow. Daming hanash ni gagamba oh pero well appreciated kasi for my welfare din naman iyon. Mabilis itong maglakad dahil sa may kapangyarihan siyang taglay and expected na hindi na siya napapagod.             “Tumahimik ka nga diyan, Juenaks naglalambing lang ako sa Dadelya mo e,” turan ko sa kanya upang hindi naman mabakante sa usapan ang lakad na ito. Napansin kong panangisi ang lalaking may-karga sa akin at tinignan pa ko nito sa aking mga mata.             “Naglalambing pala ang prinsesa ko kaya hindi umangal sa ginagawa kong pagbuhat sa kanya” nakangiting ani ni Icer Hans.  Anong prinsesa ka diyan? Baba mo na nga ako. Maiihi na ako nang dahil sa kilig, ugh! Char! HAHAHA! Take note ang pagbuhat niya sa akin ay katulad ng sa bagong kasal gano’n. Mainggit kayo! Isinubsob niya pa ang mukha ko sa mga matitigas at mababango niyang dibdib. “Sige, amuyin mo lang ang halimuyak ko aking prinsesa,” bulong nito sa akin. Unexplainable talaga ang amoy niya. Pero, I cannot. Kailangan ko ulit labanan ang espiritu ng kapokpokan na nagbabadya na namang sakupin ang aking kamalayan.             “Ang tamis naman ng tagpong iyan, Mamelya at Dadelya,” tila kinikilig na saad ni Spiderflow sa amin.             “Paki-baba na nga po ako dahil sapat na ang pahinga ko. Kaya ko na ulit maglakad gamit ang mga paa ko.” Pagpupumiglas ko kay Icer Hans ngunit nabigo ako sa plano ko dahil malakas ang mga bisig niya, kaya wala talaga akong laban dito. Sa sitwasyong ito ay nagmumukha akong isang langaw na sa ibabaw ng kalabaw.             “Hindi mo ba nais ang amoy ng Prinsepe mo, aking prinsesa?” tanong niya. Naglungkot-lungkutan pa siya ng kanyang reaksyon.             “Hindi naman sa gano’n... Oo, mabango ka at aminado ako doon pero please paki-baba na ako? Ayokong maging pabigat sa inyo.”             “Ganoon naman pala e kaya diyan ka lang. Alam kong hindi ka pa nakababawi ng iyong lakas. Sinasabi mo lang ang salita iyan dahil ayaw mong magpabigat hindi ba? Hindi ka naman mabigat para sa akin kaya ayos lang. Hayaan mo akong kilikin ka hanggang sa tuluyan mong mabawi ang iyong buong lakas,” seryoso niyang saad.             Grabe naman sa buong lakas! Pero, slightly kinilig ako doon. Hays, wala na akong magagawa kung hindi ang mag-enjoy sa feeling ng mga bisig niya. Siya na ang nagsabi na ayos lang sa kanya na i-carry ako kaya rest-rest muna ako dito. Hihi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD