Paglalahad ng Manunulat
Inabutan ng dilim sila Lemonsquare sa kanilang ginagawang paglalakad sa kakahuyan pero hindi sila nadidiliman sa paligid dahil habang bitbit ni Lemonsquiare si Spiderflow ay umiilaw ito at nagbibigay sa kanila ng liwanag upang ipagpatuloy ang kanilang paglalakad.
Naibigan na ni Lemonsquare ang kanilang Juenaks daw. Taray may anak na sila kagad no? Si Spiderflow ay may kakayahang makita ang mga bagay na hindi natatanaw ng iba. Habang nasa may daan ay nakikita nito sa isip niya ang mga bagay na maaari nilang makasalubong bago makarating sa dalawang hugis susong bundok. Tiyak na din niya ang lokasyon nito at batid niya na hindi ganoon kadali ang masasaranan nila upang makarating doon.
“Mamelya? May natatanaw po akong kubo malapit dito,” ani ni Spiderflow sa ina nito na si Lemonsquare. Mamelya ang tawag niya dito at hindi ko alam kung bakit gano’n. Makinis si Spiderflow at ang bango ng halimuyak nito.
“Mahusay talaga ang sunsung ko. Mana sa kanyang ama,” puri ni Icer Hans sa anak. Kinindatan pa nito si Lemonsquare. Halata namang kinilig si bakla nang dahil doon.
“Yes, I am so witty and cute Dadelya,” sagot ni Spiderflow sa ama. Maliit ang boses nito at ang pakinggan sa mga tainga.
Agad din ay narating nila ang kubo na sinasabi ni Spiderflow at naisipan nilang makituloy muna upang makapagpahinga hanggang sa magliwang muli. Sinabi ni Spiderflow na may tao sa kubo at matandang mag-asawa daw ito. Mababait naman ang mga ito kaya naisipan nilang tumuloy.
Bago sila kumatok sa pinto ay balak sana munang itago ni Lemonsquare ang kanilang anak upang hindi makita ng mag-asawa ngunit tumanggi si Spiderflow at sinabi na hindi siya makikita ng mga normal na tao. Mukhang hindi naman na napansin ni Lemonsquare ang sinabi ni Spiderflow at ang nasa isip lamang nito na makapagpahinga sila ngayong gabi. Ngunit bakit nakikita siya ni Lemonsquare?
Kumatok si Icer Hans at nagtanong kung may tao basa loob ng kubo kahit na alam naman talaga nilang may tao sa loob. May masabi lang. Charot!
“Sino ‘yan?” tanong ng isang matandang lalaki mula sa loob ng kubo.
“Mabuti po kaming mga tao at nais lamang po naming makituloy ngayong gabi upang makapagpahinga kung maaari lang po,” paki-usap ni Icer Hans.
Bumukas ang pinto at tama nga si Spiderflow na dalawang matanda ang nakatira dito.
“Oh sige, halika at pumasok kayo,” paanyaya ng matandang babae at sumunod naman sila. Malaki ang kubo at may dalawang silid ito.
“Maupo muna kayo,” alok ni ale nang sila’y makapasok sa loob ng munting tahanan. Mukhang tama nga si Spiderflow na hindi siya makikita ng dalawang matanda na mga normal na tao.
“Naghapunan na ba kayo? Kung hindi pa ay halika’t kumain muna kayo,” tanong naman ng matandang lalaki. Mabait ang mag-asawa na ito. They welcome their visitors warmly without even knowing them wholely. Suwerte siguro ng mga anak nila sa kanila.
“Tay, hindi pa po e, pero huwag na po. May mga prutas naman po kaming baon. Ito na lamang po ang kakainin namin. Huwag na kayo kayong mag-alala pinatuloy niyo na nga po kami e.” Magalang na pagtaliwas ni Lemonsquare sa alok ng mga matatanda.
Nakakahiya din naman siguro no. Pinatuloy na nga sila tapos ay makikikain pa! Charot.
“Huwag na kayong mahiya. Masarap ang niluto ko ngayong gabi,” pagpilit ng matandang babae.
“Tama ang sinabi ng asawa ko. Tikman niyo ang niluto niyang tinolang manok na may Papaya. Masustansiya ‘yon at mabibigyan kayo ng sapat na lakas sa ginagawa niyong pamumundok,” segunda naman ni itay.
Hindi na nakatanggi pa ang dalawa at sumang-ayon din sila. Habang nagsasandok ang matandang babae ay nagpakilala sina Lemonsquare sa matandang lalaki.
“Tay, ako po si Lemonsquare,” nakangiting pakilala nito sa sarili. Matapos ay tinuro ang katabi niyang lalaki at pinakilala din ito. “Siya naman po si Icer Hans.”
“Masigla kayong tanawing dalawa, isang makisig at marikit. Nais ko lang itanong kung may relasyon ba kayo?” wika ni matandang lalaki. “Oh siya, ako nga pala si Boyet at Ana naman ang ngalan ng asawa ko.”
“Naku salamat po, tay ngunit wala po kaming relasyon nito,” paglilinaw ni Lemonsquare.
“Ay siya bang tunay? Sayang naman. Akala ko e mag-asawa na kayo at bagong kasal tapos ay nagbubundok upang ipagdiwang ang inyong pagmamahalan,” ani ni Tatay.
Nanlaki ang mata ni Lemonsquare at napangisi nalang siya sa sinabi ng matanda. Napatingin siya sa lalaking katabi niya at nakangisi din ito sa kanya.
Naghain ng hapunan si Aling Ana at nag-umpisa ng kumain ang dalawa. Masarap ang luto nito at gustong gusto ni Lemonsquare ang mga ganitong pagkain na may sabaw. Malinamnam ang Papaya at lutong luto naman ang Manok dahil sa lambot nito. Ang sabaw ay mainit init pa at malasa, patunay na bihasa talaga sa pagluluto itong si Aling Ana.
Lemonsquare
“Kayo lang po bang dalawa dito sa bahay? Nasaan po ang mga anak niyo?” pagbukas ko ng usapan habang kumakain kami. Napansin kong bahagyang nalungkot ang mukha ni inay Ana at itay Boyet sa sinabi ko. “May nabanggit po ba akong hindi maganda?” I asked sympathetically.
“Okay lang ‘yon, anak. Oo, kami na lang dalawa ngayon ng asawa ko dito sa kubo. Maaga kasing kinuha ng Diyos ang aming dalawang anak,” nakangiting pagku-kwento ni nay Ana. Nakangiti man ito ngunit ramdam ko ang sakit at pangungulila niya sa mga anak nila.
“Miss na nga namin ang dalawang ‘yon. Ang mga munti naming prinsesa at prinsepe. Sa Tanya ko ay kung nabubuhay sila baka ka-edad niyo na sila ngayon,” dagdag naman ni tay Boyet.
“Hala, patawad po kung natanong ko pa po ‘yon. Nalungkot pa po ata kayo,” wika ko. Hindi ko naman kasi batid na sumakabilang buhay na pala ang mga anak nito. Akala ko ay nagtatrabaho lang sa ibang lugar o kaya naman ay wala talaga silang anak. Hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit ang gaan ng pakikitungo nila sa amin dahil nakikita nila ang mga anak nila sa amin?
“Ganoon talaga ang buhay. Matagal na panahon na iyon at ayos na kaming dalawang mag-asawa. Kaya lang minsan ay hindi namin maiwasang hindi malungkot kapag naiisip ang mga ala-alang iniwan nila sa aming dalawa,” saad ni nay Ana. Alam kong pinipilit lang nilang dalawa na magpakatatag dahil batid nila na hindi nais ng kanilang mga anak kung parati nalang silang magiging malungkot.
Natapos ang aming pagkain ay sinabi nila sa amin na doon kami mahihiga sa kabilang silid. Sinamahan nila kami patungo doon at inabutan pa ng sapin at unan. Amg bait talaga nilang dalawa. Alam kong masaya ang mga anak nila dahil nakikita nilang masaya din ang mga magulang nila at patuloy pa ding nakabukas ang mga palad nito sa pagtulong sa kapwa.
“Oh matulog na kayo ha. Kung may kailangan pa kayo ay nasa kabilang kuwarto lang kami ni Boyet,” bilin sa amin ni nay Ana. Tumango kami dito at nagpasalamat sa kanya.
Bumalik na sila sa kanilang silid upang makapagpahinga na din.
“Super bait nilang dalawa no, mamelya? Ang blessed po natin. Yey!” biglang ani ni Spiderflow sa akin. Bawal kasi siyang magsalita kanina dahil baka marinig iyon nila inay Ana kaya naipon ang chika niya.
“Truelalu, Juenaks. Matulog ka na din para super more energy bukas,” sagot ko.
“Sure, good night mamelya and dadelya,” wika niya. Gumapang ito pataas sa bubong ng bahay kubo at doon siya gumawa ng sapot na kulay pink upang gawin itong tulugan.
Bumaling ako sa lalaking nasa may gilid ko na ang tahimik. “Oy, doon ka sa may bandang pinto,” saad ko sa kanya. Inabot ko sa kanya ang isang sapin at unan upang may magamit siya.
“Magtabi nalang tayo. May anak na nga tayo’t lahat lahat ayaw mo pa akong katabing matulog!” Himutok niya. Para naman itong bata kung magtampo. Akala ata e bagay sa kanya ang gano’ng epek!
“Mapang-asar ka talaga e no?” Mahina ko siyang hinampas sa braso niya dahil kailangan kong labanan ang pagiging marupokpok minsan. Kung hindi ay baka kung saan ako dalhin nito.
“Hindi naman ako nang-aasar ah? Totoo ang aking tinuran. Gusto kita na makatabing matulog muli.”
“Mukha ka namang sira diyan. Parang kagabi lang e magkatabi tayong matulog. Naka-droga ka ba? Magpahinga ka na nga.”
“Ayoko!” pagmamatigas nito. Lumapit ulit ito sa akin at nagsalita. “Isang halik ulit, paki-usap?”
Hindi ko siya pinansin bagkus ay tumalikod ako sa kanya. “Matutulog na ako. Good night, Prinsipe ng kahalayan!” nakatalikod kong wika sa kanya. Tumungo ako sa higaan ko at humiga ng patalikod sa kanya dahil ayokong makita ang pes niya. Ugh, kairita!
“Ang alinsangan ngayon ah!” Narinig kong daing nito. Napansin kong umupo siya dahil naramdaman kong gumalaw ang sahig na hinihigan ko. Bumaling ako sa direksyon niya at nakita ko na naghubad siya ng damit pang-itaas.
Hala mga marupokpok! Nasilayan ko na naman ang katawan niya. Mukhang getting to wet season na naman ang lola ninyo ngayong gabi. Ay Lemonsquare! Maghunosdili ka!
“Anong tinitingin-tingin mo diyan?” tanong nito sa akin. Medyo nagulat ako doon nang makita niya akong nakatingin sa hubad niyang katawan. “Gusto mo ba?” tanong nito sabay turo sa mga abs n’ya. “Luh, asa ka!”
“Asa ka din no! Huwag ka ngang feeling diyan. Mukha ka kayang alikabok!” mataray kong wika sa kanya. Muli ay tumalikod ako, this time sure na matutulog na talaga ako. No more lingon-lingon na dahil marami pang bukas para diyan. Baburlagow, mga tiyanak!
“Sus!” Narinig ko pang wika nito bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko.