Paglalahad ng Manunulat Matinding kaguluhan ngayon ang nagaganap sa buong lupain ng Leatel Wan Baebi Leatuel Tuh sa kadahilanang sumasalakay ngayon ang mga oras na ito ang mga kampon ng kasamaan. Ang mga nilalang na ito ay nilikha ng mga masasamang Diyosa na lubos na makapangyarihan at nakapagdudulot matinding takot sa mga nilalang na walang taglay na sapat na kapangyarihan. Ang mga musmos ay nagpapanangisan at pinoprotekhan ng kanilang mga magulang. Ang mga may kakayang makalipad ay kasalukuyang nasa himpapawid upang maka-iwas sa malaking pagsabog na naganap. Patuloy sa pagwasak ang mga masasamang nilalang at may ilang buhay na rin ang nawala sa Pandateaias. Biglaan ang pagsalakay na ito at walang sinuman ang nakakaalam na mangyayari ito. Mabilis na nagtungo roon ang mga kawal sa pal

